PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mahigit 100 Vivamax stars, dadalo sa premiere ng Unang Tikim

Mahigit 100 Vivamax stars, masisilayan na ng publiko in the felsh.
by Jojo Gabinete
Published Aug 5, 2024
angeli khang robb guinto unang tikim
Angeli Khang (left) and Robb Guinto (right) attend the press preview of Unang Tikim, the first Vivamax movie that will have a theatrical release.
PHOTO/S: @vivamaxph on Instagram

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Vivamax, magsasama-sama sa isang pagtitipon ang mahigit 100 palabang artista ng original Filipino streaming site.

Susuportahan nila ang red-carpet premiere ng Unang Tikim, ang sexy drama movie na pinangungunahan nina Angelika Khang at Robb Guinto, sa SM North The Block Cinema 3 ngayong Lunes ng gabi, Agosto 5, 2024.

Read: Angeli Khang at Robb Guinto, mapapanood na sa big screen

Maglalakad sa red carpet ng Unang Tikim ang mga artista ng Vivamax, isang bihirang pagkakataong makikita sila “in the flesh” ng publiko dahil mga napapanood lamang sila sa kontrobersyal na streaming site.

FIRST VIVAMAX MOVIE TO HAVE THEATRICAL RELEASE

Ang Unang Tikim ang unang Vivamax project na ipalalabas sa mga sinehan simula sa Agosto 7.

Ito ang pangunahing dahilan ng “in full force” na pagdalo ng Vivamax stars sa red-carpet premiere.

Nagkaroon ng press preview ang Unang Tikim noong Biyernes, Agosto 2, sa Fishermall Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
angeli khang robb guinto lawrence fajardo unang tikim press preview
Angeli Khang (left) and Robb Guinto (right) with Unang Tikim director Roman Perez Jr.
Photo/s: @vivamaxph on Instagram

Dinaluhan ito ng entertainment press na makapagpapatunay na walang ipinagkaiba ang pelikula nina Angeli at Robb sa mapapangahas na panoorin sa Vivamax.

May mga nudity scene ang pelikula na maikukumpara sa Girls’ Love (GL) series at matatapang sa paghuhubad sina Angeli at Robb.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ito ang dahilan kaya nabigyan ang Unang Tikim ng R16 classification sa SM Mall cinemas at R18 sa ibang mga sinehang pagtatanghalan.

Read: Angeli Khang, nakapagpundar na ng sariling sasakyan

Si Roman Perez Jr. ang direktor ng Unang Tikim.

Tulad ng kanyang mga nakaraang pelikula na napapanood lamang sa Vivamax — gaya ng Taya, Pamasahe, Balik Taya, The Housemaid, at Kamadora — matitindi ang mga eksena nina Angeli, Robb, at Matt Francisco.

Ginastusan ang proyekto dahil para lamang sa maiksing wedding scene, dumayo pa sila sa Liliw, Laguna para magamit sa pelikula ang isa sa pinakamatandang simbahan sa Laguna na itinayo noong 1646.

Ang pagdalo nina Angeli at Robb ang highlight ng press preview dahil nasorpresa ang lahat nang sumipot sila habang ipinakikita ang closing credits ng Unang Tikim.

Kahit malakas ang buhos ng ulan noong Biyernes, ganudong-ganado ang dalawa sa pag-iikot sa mga sinehan para personal na magbenta ng tickets sa mga nagnanais manood ng Unang Tikim at para makatiyak silang tatangkilikin ng publiko ang kauna-unahang Vivamax movie na magkakaroon ng theatrical release.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

View this post on Instagram

A post shared by VIVA Films (@viva_films)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angeli Khang (left) and Robb Guinto (right) attend the press preview of Unang Tikim, the first Vivamax movie that will have a theatrical release.
PHOTO/S: @vivamaxph on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results