Pumukaw sa interes ng publiko ngayong Miyerkules, Agosto 7, 2024, ang kuwento ng dalawang magulang — sina Angelica at Angelo — na may madadamdaming pahayag tungkol sa kani-kanilang anak nila na parehong nasa sentro ng kontrobersiya ngayon.
Si Angelica Yulo ang ina ng 24-year-old two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.
Read: Carlos Yulo breaks silence on money issue with his mother
Si Angelo, na higit kilala sa screen name nitong Niño Muhlach, ang ama ni Sandro Muhlach, ang 23-year-old-actor na nagreklamo ng sexual harassment laban sa GMA-7 "independent contractors" na sina Jojo Nones at Richard "Dode" Cruz.
Read: GMA-7 names "independent contractors" in Sandro Muhlach incident
ANGELICA YULO
Ilang araw nang biktima ng mga batikos sa social media si Angelica Yulo dahil sa pagsasalita niya tungkol sa hidwaan nila ng anak na si Carlos na may kinalaman umano sa pera.
Nakatulong ang pagharap, pagsasalita, at pagpapaliwanag ni Angelica sa press conference na naganap nitong Miyerkules para maunawaan ng publiko ang pinanggagalingan ng malalim na tampo niya kay Carlos.

Likas na mapagpatawad at malambot ang puso ng mga Pilipino kaya naantig din ang kanilang mga damdamin nang humingi ng kapatawaran si Angelica mula sa kanyang anak.
Sinabi rin niyang ang girlfriend ni Carlos na si Chloe San Jose ang tunay na mitsa ng sigalot nila.
Inamin din niyang hindi siya perpektong ina.
“Humihingi ako ng patawad sa iyo at sa sambayanan sa mga nasabi ko sa interbyu,” pahayag ni Angelica.
Read: Carlos Yulo's mother Angelica offers tearful apology to son: "Patawad, anak."
Dahil sa ginawang ito ni Angelica, nabaling ang atensiyon ng publiko kay Chloe dahil ito na rin ang pinaniniwalaan ng maraming netizens na puno’t dulo ng hidwaan ni Carlos at ng kanyang pamilya.
Read: Ama ni Carlos Yulo, nilinaw na hindi pera ang ugat ng alitan ng kanyang mag-ina
NIÑO MUHLACH
Marami naman ang napaluha nang magsalita si Niño Muhlach sa senate inquiry na ipinatawag ni Senator Robin Padilla, ang chairman ng Senate Committee on Public Information and Mass Media, ngayon ding araw.
May mga nakiluha kay Niño nang umiiyak na isiwalat nito ang sakit ng kalooban na nararamdaman dahil sa sinapit ni Sandro.

Powerful at nakaapekto sa publiko ang video ng isang ama na lumuluha habang isinasalaysay ang karahasang dinanas umano ng kanyang anak.
“Kaya talaga akong nasaktan nang ikuwento niya [Sandro] sa akin yung nangyari,” sabi ni Niño.
“Nanginginig at hindi niya halos mahawakan yung telepono niya nung ikinukuwento niya sa akin yung ginawa sa kanya, lalo na si Jojo Nones po.
Pagsisiwalat ni Niño, katrabaho nila ni Senator Bong Revilla si Nones sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.
Ayon sa aktor, “Siya po yung headwriter namin at sobrang galang ko sa kanya. Sobrang respeto ko sa kanya.
"Kapag may events kami, ako pa yung unang lumalapit sa kanya at 'Sir Jojo' pa nga ang tawag ko sa kanya.
"Kaya hindi ko talaga matanggap ang nagawa niya sa anak ko. Sobrang sama ng loob ko talaga kay Jojo Nones.
"Kung nakita lang po ninyo yung anak ko talaga, kung paano niya ikinuwento sa akin...
"Tapos nalaman ko pa na bago niya ikinuwento sa akin, ikinuwento muna niya sa kapatid niya, si Alonzo.
"Sinabi sa akin ni Alonzo na sinabi ng kuya niya na, ‘Bro, sana huwag mangyari sa inyo ang nangyari sa akin."
Tanggap daw ni Niño na hindi man siya naging mabuting asawa, sinisikap niyang maging isang mabuting ama sa kanyang mga anak.
Read: Niño Muhlach gets emotional at Senate hearing on son Sandro's ordeal