Nabawasan na ang ingay ng hindi lamang pampamilya kundi pang-sports pang alitan sa pagitan ni two-time Paris Olympics gold medalist Carlos Yulo at ng kanyang inang si Angelica Yulo.
Ito ay matapos basahin ni Angelica ang opisyal na pahayag niya tungkol sa kanilang alitan sa isang press conference na naganap nitong Miyerkules, Agosto 7, 2024.
Read: Carlos Yulo's mother Angelica offers tearful apology to son: "Patawad, anak."
Pinagpistahan, pinag-usapan, at pinag-aksayahan nang husto ng panahon ng mga Pilipinong mahilig sa real-life family feud at drama ang away sa pagitan ng mag-ina
Negatibo man ang karamihan sa mga reaksiyon ng mga Pilipino, nagkaroon ito ng positibong epekto dahil nadagdagan ang bilang ng social media followers nina Angelica, Carlos, at maging ng girlfriend ng atleta na si Chloe San Jose.
Mula sa 12,000 Facebook followers, 20,000 na at patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga tagasubaybay ni Angelica.
Read: Chloe San Jose reacts to interview of Carlos Yulo's mother
MOTHER'S DAY MESSAGE OF CARLOS TO ANGELICA
Pinaniniwalaang pansamantala lamang ang away nina Carlos at Angelica dahil inaasahang mangingibabaw ang pagmamahal ng Olympic gold medalist sa kanyang ina.
Patunay nito ang mensahe ni Carlos sa Araw ng Mga Ina noong Mayo 2022.
Nakasaad dito: “Happy mother’s day sa lahat ng mommies out there at syempre sa super hero ko, ma ange! salamat sa lahat-lahat ma, di matutumbasan ng kahit anong bagay yung binigay mong pag mamahal at sakripisyong ginawa mo para sa amin. ikaw ang pinaka d’best hehe I loveyou.”
Reply rito ni Angelica: “Thank you bhe... love you to the moon and back.. missed you always “
Sagot naman dito ni Carlos: “Miss ko na din kayo ma.”
Read: Carlos Yulo's mother speaks up about "mukhang pera" accusations

CHLOE SAN JOSE CLAPS BACK AT DARRYL YAP
Natuklasan naman ng mga mahihilig sa tsismis ang talent ni Chloe sa pagkanta dahil sa pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa sigalot nina Carlos at Angelica.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, nabigyan si Chloe ng “Moment ko ito” at “It’s my time to shine" dahil siya ang sinisisi sa lumalang tampuhan ng mag-ina.
Read: Ama ni Carlos Yulo, nilinaw na hindi pera ang ugat ng isyu nila
Magkasama sina Carlos at Chloe sa Paris.
Kahit nakatutok siya sa kanyang boyfriend, may panahon si Chloe na sumagot sa mga social media post tungkol sa kanya ng mga popular at controversial media influencer, tulad ng direktor na si Darryl Yap.

HERO'S WELCOME FOR CARLOS YULO
Samantala, opisyal na magwawakas sa Agosto 11, 2024 ang Paris Olympics, na nag-umpisa noong Hulyo 24, kaya hinihintay na ng mga Pilipino ang pagbabalik ni Carlos sa Pilipinas sa susunod na linggo.
Isang hero’s welcome ang naghihintay kay Carlos dahil sa mga karangalang ibinigay niya sa ating bansa — ang mga gintong medalya para sa men’s artistic gymnastics floor exercise at men’s vault.
Inaasahang unang mapapanood si Carlos sa mga programa ng TV5.
Ito ay dahil si TV5 Chairman at MVP Sports Foundation founder Manny Pangilinan ang isa sa mga sumuporta at tumulong sa kanya kaya nagtagumpay siya bilang gymnast.
Nang manalo si Carlos ng gold medal, ibinahagi ni Pangilinan sa official X account nito ang larawan ng MVPSF Gymnastics Center na kanyang ipinatayo sa Intramuros, Manila.
Nlagyan niya ito ng caption na “Dreams are fulfilled in Paris, but they begin here. You’ve made is all proud, Caloy. You’re living proof a Filipino can. We never doubted for a second.”
Pinasinayaan ang MVPSF Gymnastics Center, ang world-class training facility for gymnasts, noong Marso 2022.
Sinabi noon ni Pangilinan, “Our investments in the country’s sports development bear fruit when we witness our athletes give their best while representing the Philippines in the global arena. The victories they achieve and the pride they give our country are priceless.”
Kinikilala at lubos ang pasasalamat ni Carlos sa suporta sa kanya ng sports patron sa pamamagitan ng mga social media post niya.
Ito ang pangunahing dahilan kaya tiyak na mapapanood siya sa mga programa ng Kapatid Network sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas.