PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Raffy Tulfo, binantaan ang TV5 na magpapatawag ng Senate hearing

Talent na inireklamo ang TV5 program manager, tinanggal sa trabaho.
by Jojo Gabinete
Published Aug 10, 2024
raffy tulfo wanted sa radyo
Senator Raffy Tulfo to TV5: “Suspendihin ninyo muna itong si Cliff Gingco. Nasa baba lang daw po, tinarayan pa nga kami. Gusto na naming kausapin, tumaray pa nga, e. Kasi kapag hindi ninyo sinuspinde ito, magpapatawag ako ng hearing sa senado! Trust me. So, mamimili kayo, suspend this guy or magkikita-kita tayong lahat sa senado. Choose!"
PHOTO/S: Screen grab from Raffy Tulfo In Action YouTube

Agad naging popular search sa mga social media platform ang pangalang "Cliff Gingco" matapos lumantad ang isang dating TV5 talent/researcher sa public-service program ni Senator Raffy Tulfo na Wanted Sa Radyo, Biyernes ng hapon, Agosto 9, 2024.

Pero bigo ang netizens na malaman ang mga impormasyon tungkol sa kanya dahil private ang Instagram account ni Gingco at tila deactivated na ang kanyang Facebook page.

Si Cliff Gingco, program manager ng News and Public Affairs ng TV5, ay inirereklmao ng talent dahil umano sa seksuwal na pang-aabuso.

Ayon sa talent, naganap ang insidente sa isang hotel sa Pasig noong Hulyo 23, 2024.

Read: Talent accuses TV5 News and Current Affairs program manager of sexual harassment

Kahapon, nanawagan si Tulfo kay Gingco na umakyat ito sa studio ng Wanted sa Radyo para makapagpaliwanag siya at marinig ng publiko ang kanyang panig.

Pero, diumano, pinayuhan ni News and Public Affairs vice-president Luchi Cruz-Valdes si Gingco na huwag munang magsalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakarating sa Cabinet Files ang impormasyong pagkatapos ng programa ni Tulfo kahapon, inabangan siya ni Gingco pero hindi na kinausap o hinarap ng senador ang akusado.

SENATOR RAFFY TULFO DEMANDS SUSPENSION OF CLIFF GINGCO

Sa programa ni Tulfo nitong Biyernes ng hapon, inilahad ng complainant ang buong detalye ng naranasang pang-aabuso, ang kanyang pagkakatanggal sa trabaho, at ang limang libong piso na ibinigay umano ng TV5 sa kanya.

Pinilit ni Tulfo na makausap ang kinatawan ng HR ng TV5 dahil sa kagustuhan niyang malaman ang mga hakbang na ginagawa ng management tungkol sa mga hinaing ng nagrereklamo.

Isang Rolly Santos, na nagpakilala bilang head ng HR, ang nakipag-usap kay Tulfo at binasa lamang niya ang official statement ng TV5 na inilabas din sa media.

Read: Raffy Tulfo calls out TV5 for not suspending News and Current Affairs boss

tv5 statement
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagalit si Tulfo nang malaman niyang ang complainant pa ang tinanggal sa serbisyo, kahit ito ang naagrabyado, kaya nagbanta siyang paiimbestigahan sa senado ang kontrobersiyal na usapin.

Pahayag ni Tulfo, “Ang sa akin lamang, habang siya ay iniimbestigahan ay pinagbakasyon muna, kung ako po ang tatanungin. Kung ako po ang gagawa ng patakaran.

“Why not come up with that sistema dito sa TV5? Seryoso yung sumbong at tatayuan ng tao ang kanyang sumbong at may mga dokumento naman sa pulis, hotel and all.

“Suspendihin ninyo muna itong si Cliff Gingco. Nasa baba lang daw po, tinarayan pa nga kami. Gusto na naming kausapin, tumaray pa nga, e.

“Kasi kapag hindi ninyo sinuspinde ito, magpapatawag ako ng hearing sa senado! Trust me.

"So, mamimili kayo, suspend this guy or magkikita-kita tayong lahat sa senado. Choose!

“I want the answer by 5 o’clock...

"If this guy cannot be suspended by 5 P.M., then magkita-kita tayo sa senado, I’m sorry."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Inatasan ni Tulfo ang kanyang chief of staff na si Atty. Garreth Tungol na mag-file na ng resolution kapag hindi sinuspinde ng TV5 management si Gingco sa oras na itinakda niya.

TALENT ALSO GETS HELP FROM SENATOR PADILLA

Hindi lamang si Tulfo ang senador na tumutulong sa talent dahil handa raw ang opisina ni Senator Robin Padilla, ang chairman ng Senate Committee on Public Information and Mass Media, na tulungan siya.

Ilang nagmamalasakit sa talent, na dating news researcher sa News and Public Affairs ng TV5, ang nakipag-ugnayan sa opisina ni Padilla matapos mapanood ang pagharap ng aktor na si Niño Muhlach sa Senate hearing kaugnay ng sexual harassment complaint ng anak nitong si Sandro Muhlach laban sa GMA-7 independent contractors na sina Jojo Nones at Richard "Dode" Cruz.

Read: Niño Muhlach gets emotional at Senate hearing on son's ordeal

Naisip ng talent na lumapit kay Padilla dahil napansin niyang tila binabalewala ng mga kinauukulan ang kanyang reklamo hanggang makarating ito kay Tulfo, tatlong linggo matapos niyang maghain ng reklamo sa Pasig City Police at sa human resources department ng TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Raffy Tulfo to TV5: “Suspendihin ninyo muna itong si Cliff Gingco. Nasa baba lang daw po, tinarayan pa nga kami. Gusto na naming kausapin, tumaray pa nga, e. Kasi kapag hindi ninyo sinuspinde ito, magpapatawag ako ng hearing sa senado! Trust me. So, mamimili kayo, suspend this guy or magkikita-kita tayong lahat sa senado. Choose!"
PHOTO/S: Screen grab from Raffy Tulfo In Action YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results