PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vilma Santos, namangha nang makita ang kanyang mga lumang litrato

Vilma Santos: "Ang sexy ko, grabe! Ganyan pala ako noong araw. Sobra kong sexy!”
by Jojo Gabinete
Published Aug 11, 2024
vilma santos exhibit
Vilma Santos on seeing her old photos: “Pagpasok ko, masyado ho akong na-thrill. Nagkaroon ako ng goosebumps because I saw my old pictures. Ang sexy ko, grabe! Ganyan pala ako noong araw. Sobra kong sexy!”
PHOTO/S: Vilma Santos Facebook / Romy Vitug

"Must visit and see" ang Archivo 1984, ang exhibit na pagbibigay-pugay sa Star for All Seasons na si Vilma Santos.

Makikita sa Archivo 1984 ang hard-to-find photos, movie posters, vinyl records, at memorabilias ng 62 taong pamamayagpag ng showbiz career ng multi-awarded actress na itinuturing nang isang national treasure.

Read: Cinemalaya screening ng Bona ni Nora, katapat ng Vilma exhibit

vilma santos exhibit
Photo/s: Jojo Gabinete
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Vilma ang panauhing pagdangal sa pagbubukas ng exhibit na tinawag na "Vilma Night!"

Ginanap ito sa Archivo 1984 Gallery sa Chino Roces Avenue, Makati City, nitong Sabado, Agosto 10, 2024.

vilma night

Nagulat at kinilabutan si Vilma nang bumulaga sa paningin nito ang mga hindi mabibilang na memorabilia.

Hindi niya inaasahang may nakapagtago pa ng rare photos ng kanyang illustrious career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Aktor PH nominates Vilma Santos for National Artist

PHOTO TAKEN BY THE LATE ROMY VITUG

Ang isang larawan na kuha ng award-winning cinematographer na si Romy Vitug (January 27, 1937 – January 18, 2024) sa set ng 1978 movie na Pagputi ng Uwak, Pag-Itim ng Tagak sa Majayjay, Laguna, ang pumukaw nang husto sa interes ni Vilma.

Ang nasabing pelikula ay ipinrodyus ng kanyang V.S. Film Co. Inc. noong 1978.

Reaksiyon ni Vilma: “Pagpasok ko, nag-goosebumps ako talaga. Nangilabot ako when I saw it.

"Kasi wala ako niyan. Wala akong mga kopya na ganyan.

“I saw my picture, si Romy Vitug, kinukunan pala ako.

"May isang frame, magkano ba yon? Bibilhin ko.

“I am wearing pink. Kinunan pala ako [ng litrato] ni Romy Vitug na nag-aayos ng belt, kagat-kagat ko pa yung belt.

“It was so natural na hindi mo makikita yang picture na yan."

vilma santos photo by romy vitug
The photo taken by award-winning cinematographer Romy Vitug on the set of Vilma's movie, Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak.
Photo/s: Romy Vitug
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dagdag pa niya, “There’s so many many pictures and nagre-reminisce po ako sa aking career.

"Unfortunately, wala ako ng mga ito. Kung meron man siguro masuwerte na yung mga lima, but the rest, wala talaga."

Read: Vilma Santos on fans lobbying for her National Artist nomination

VILMA NIGHT!

Si Dr. Marty Magsanoc ang isa sa mga responsable kaya naisakatuparan ang Vilma Night! at ang pambihirang exhibit kaya lubos ang pasasalamat sa kanya ng Star for All Seasons.

Saad ng Star For All Seasons, “Para maisip nila itong exhibit na ito para sa akin, Vilma Night!, malaking bagay po sa akin.

“First time I have experienced this. Mahigit na po akong anim na dekada sa industriya.

"Kapag may mga museo o exhibit na ganito, ako ang nagbibigay nung public servant ako."

Manghang-mangha si Vilma sa mga larawang kanyang nakita.

“First-time experience na ako po ang binigyan and for that, I am very, very thankful. Maraming salamat po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pagpasok ko, masyado ho akong na-thrill. Nagkaroon ako ng goosebumps because I saw my old pictures.

"Ang sexy ko, grabe! Ganyan pala ako noong araw. Sobra kong sexy!” natatawang sabi ni Vilma, sabay turo sa mga litrato niya mula sa Burlesk Queen at ibang mga pelikula.

vilma santos
Vilma Santos looks at the photos and video clips of her movie Burlesk Queen.
Photo/s: Jojo Gabinete
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa kay Vilma, “I saw my movie. I produced this movie, Pagputi ng Uwak, Pag-Itim ng Tagak.

"I saw my videos from Vilma show and then mga painting, Burlesk Queen.

“Maraming salamat po, hindi ko alam kung paano magpasalamat. I feel so honored na nabigyan ako ng ganitong tribute and I truly, truly feel so elated.

"Again, from the heart, maraming-maraming salamat po.”

Read: Vilma Santos nanibago sa todong promo for MMFF: "Ibang-iba na."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vilma Santos on seeing her old photos: “Pagpasok ko, masyado ho akong na-thrill. Nagkaroon ako ng goosebumps because I saw my old pictures. Ang sexy ko, grabe! Ganyan pala ako noong araw. Sobra kong sexy!”
PHOTO/S: Vilma Santos Facebook / Romy Vitug
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results