Hindi lamang ang rappelling stunt ng Hollywood superstar na si Tom Cruise mula sa tuktok ng Stade de France sa closing ceremony ng Paris Olympics 2024 ang pinag-uusapan.

Read: Here's how much the Paris Olympics 2024 cost
Hinangaan din ang French singer-songwriter na si Yseult Marie Onguenet, na malaki ang pagkakahawig ng boses sa Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales at mapapansin ito sa paraan ng pag-awit niya sa "My Way."
Pinupuri ang talento ni Yseult sa pagkanta at ang kanyang madamdaming pag-awit sa "My Way" (1969), ang kantang pinasikat ng legendary American crooner na si Frank Sinatra (Disyembre 12, 1915 – Mayo 14, 1998).
"MY WAY" IS AN ORIGINAL FRENCH SONG
May mga nagtataka sa pagkanta ni Yseult ng "My Way" sa closing ceremony ng Paris Olympics, na napanood ng buong mundo nitong Lunes ng madaling-araw, August 12, 2024 (Philippine time).

Pero kung magsasaliksik, malalamang isang original French composition na may pamagat na "Comme d’habitude" ang popular na awitin ni Sinatra na nagkaroon na ng maraming cover versions.
Ang 84-year-old French songwriter na si Jacques Revaux ang kompositor ng "Comme d’habitude" na ini-release noong 1967.
Nilapatan ito ng lyrics ni Gilles Thibaut (Setyembre 21, 1927 - Agosto 2, 2000) at pinasikat ng singer na si Claude Francois (Pebrero 1, 1939 - Marso 11, 1978).
Read: Carlos Yulo's gymnastics journey, family, love: A timeline
Tungkol sa paulit-ulit na pagmamahal na hindi nagtatagal ang "Comme d’habitude" at ibang-iba ito sa lyrics ng "My Way."
Ang Canadian-American singer na si Paul Anka ang nakatuklas sa sikat na kanta ni Claude na napakinggan niya habang nagbabakasyon siya sa South of France.
Agad na nagpunta si Anka sa Paris.
Nakipagnegosasyon siya kay Revaux para mabili ang karapatan sa kantang kanyang isinalin sa Ingles, nilapatan ng bagong lyrics, at ipinagkatiwala niya kay Sinatra.
Naging hit at signature song ni Sinatra ang "My Way," na itinuturing sa Pilipinas na isang “My Way killings social phenomenon” dahil sa mga biktimang nakipag-away at namatay habang inaawit ang nabanggit na kanta sa mga inuman at karaoke bar.
Read: How much cash do Paris Olympics 2024 gold medalists get?