PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktres, iniwan ang TV program para sa pagtakbong mayor sa 2025?

Isang high-profile TV personality ang napipisil na pumalit sa aktres.
by Jojo Gabinete
Published Aug 12, 2024
blind item actress

Iniwanan na ng aktres ang programa nito sa isang TV network dahil sa katuwirang pagtutuunan niya ng panahon ang pagtulong sa kampanya ng isang pulitikong kakandidato sa halalan sa Mayo 12, 2025.

Pero may mga nagsasabing bukod sa pagsuporta sa pulitikong mula sa angkan na kilala sa mundo ng pulitika, may balak din ang aktres na kumandidato pero hindi pa niya isinisiwalat sa publiko ang kanyang plano.

Read: Male talent, idinetalye ang pang-aabusong naranasan mula sa may posisyong TV employee

Diumano, malaki ang posibilidad na tumakbong alkalde ng isang siyudad ang aktres sa 2025 elections, at ang pulitikong sinusuportahan niya ang tutulong sa kanyang kandidatura.

Maaga pa para magsalita ang aktres tungkol sa political plans niya pero malalaman natin ang katotohanan sa Oktubre 2024 dahil itinakda ng Commission on Elections ang pagsusumite ng certificate of candidacy mula Oktubre 1 hanggang sa Oktubre 8.

POSSIBLE REPLACEMENT

Samantala, naghahanap ang TV network management ng personalidad na ipapalit sa aktres sa programang iniwanan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang high-profile TV personality ang napipisil ng management at siya rin ang gusto ng mga dating kasamahan ng aktres sa programa.

Read: Aktres, dinala sa korte ang paghingi ng sustento sa dating asawa

Mapapanood sa mga palabas sa ibang network ang TV personality kaya walang linaw kung tatanggapin niya ang dating programa ng aktres kapag inialok sa kanya.

Pero kung ang talent at mga achievement ng TV personality ang magiging basehan, kayang-kaya o tiyak na mahihigitan niya ang performance o pagtatanghal na ipinamalas ng aktres sa programang tinalikuran nito, kapalit ang higit na mapaghamon at malaking plano niya para sa sarili.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results