Ngayong Martes, Agosto 13, 2024, ang 18th birthday ni Sophia Angela Asistio, ang anak ni Baron Geisler sa aktres na si Nadia Montenegro.
Si Baron ang isa sa mga unang bumati ng maligayang kaarawan sa biological daughter niya sa pamamagitan ng Instagram story habang nasa loob siya ng kanyang tumatakbong sasakyan.
Read: Nadia Montenegro on alleged daughter with Baron Geisler
Walang binanggit na pangalan si Baron pero hindi maitatangging si Sophia ang kanyang tinutukoy sa nakangiti niyang pagbati.
“Hey, you, I just wanna greet you a happy birthday,” mensahe ng aktor kasunod ang matunog na flying kiss.
THE TRUTH FINALLY CAME OUT
Labingwalong taon na ang nakalilipas buhat nang isilang ni Nadia si Sophia noong Agosto 13, 2006.
Noong 2008, ibinulgar ng entertainment writer at TV host na si Cristy Fermin na may anak si Nadia kay Baron na inililihim ng aktres.
Tuluyan nang nabaon sa limot ang kontrobersiyal na isyu na yumanig noon sa Philippine entertainment industry.
Pero muling naungkat ang usapin nang ipagtapat ni Baron sa isang interbyu noong Marso 2024 na may anak siya “somewhere out there.”
Read: Baron Geisler regrets missed years with first daughter: "I didn't get to hug her"
Ang pagsasalita ni Baron tungkol sa pagkakaroon ng anak, na lingid sa kaalaman ng publiko, ang dahilan para maungkat ang nakaraan nila ni Nadia.
Napilitan si Nadia na aminin ang katotohanang anak nito kay Baron, hindi sa kanyang pumanaw na longtime partner na si Macario Asistio Jr., ang bunso niyang si Sophia.
Sa panayam ni Boy Abunda kay Nadia sa Fast Talk with Boy Abunda noong nakaraang buwan, tinuldukan ng aktres ang kontrobersiyal na usapin.

Pahayag niya, “I do things not because I want to hurt people. I do things now because I want people to learn from my mistakes.
“Hindi ko ikinakalat ito para mag-entertain, para pagpiyestahan ninyo ang buhay ko, ang buhay ng anak ko.
“I want this to end because my daughter is turning 18 soon and she does not need to come out to this world and answer questions for her mother.”
Read: Nadia Montenegro finally admits to having a daughter with Baron Geisler