Bumalik na sa bansa ngayong Martes ng gabi, Agosto 13, 2024, ang mga atletang kinatawan ng Pilipinas sa Paris Olympics.
Idinaos mula Hulyo 26 hanggang Agosto 11, 2024.
Read: Carlos Yulo wins back-to-back gold medals for the Philippines
Lumapag sa Villamor Airbase, Pasay City, ang chartered Philippine Airlines plane, lulan ang mga atleta na naglaro sa Paris Olympics at nagbigay ng karangalan sa Pilipinas.
Pinagunahan ito nina double gold Olympic medalist Carlos Yulo, bronze medalists Nesthy Petecio at Aira Villegas, EJ Obiena, Carlo Paalam, John Cabang Tolentino, at John Ceniza.
Mainit ang pagsalubong sa mga atleta ng kanilang pamilya at ng mga estudyante ng Villamor Air Base Elementary School.

Nakipagsabayan sa malakas na tugtog ng banda ang palakpakan at hiyawan ng mga kababayan nating tuwang-tuwa sa pagbabalik sa bansa ng mga atletang lumahok sa Paris Olympics.
Read: How much cash do Paris Olympics 2024 gold medalists get?

WELCOME DINNER AT MALACAÑANG
Mula sa Villamor Air Base, dumiretso ang Pinoy Olympians sa Malacañang Palace para sa red-carpet heroes’ welcome, hapunan, at parangal sa kanila nina President Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos.
Si Paolo Bediones ang host ng welcome dinner para sa Team Philippines, samantalang si Carlos Yulo ang nagbigay ng mensahe sa ngalan ng Philippine Olympic team.
Kabadong-kabado si Carlos bago ito nagtalumpati kaya nasabi niyang mas kinakabahan siya sa pagsasalita kesa sa husay na ipinamalas niya sa men’s floor exercise at men’s vault events ng Paris Olympics.
Read: Carlos Yulo's gymnastics journey, family, love: A timeline

Mensahe ni Carlos: “Maraming-maraming salamat po sa mga taong nagdasal po, nag-take ng effort na magpuyat para panoorin po yung Olympics at masaksihan po yung mga pinag-training-an po namin ng mga atletang Pilipino po.
“Gusto ko pong magpasalamat sa pagbigay po sa amin ng training camp. Sobrang laking tulong po sa akin, nakapag-adjust sa oras, nagamay rin po yung weather.
"Kaya sobrang laking bagay sa akin po yon na nakakonekta po sa gintong medalya po.
“Maraming-maraming salamat po sa POC, kay Ma’am Cynthia [Carrion], Gymnastics Association of the Philippines, siya po yung nag-handle sa amin at nagtaguyod po sa gymnastics po.
"Maraming-maraming salamat po sa inyo Ma’am Cynthia. Grabe po yung suporta na ibinigay ninyo po.
“Siyempre, sa lahat po ng atleta po, sobrang proud po ako na ipinaglaban po natin, ibinigay po natin yung best natin sa lahat po. Dugo’t pawis yung inialay natin.
“Hindi pa nagsisimula yung competition, sobrang proud na proud na ako sa inyong lahat.
"At ngayong tapos na yung competition, i-celebrate natin yung mga nakuha nating resulta at mas galingan pa natin sa mga susunod na competition.
"Maraming-maraming salamat po. God bless you all po."
Samantala, bukas, Agosto 14, Miyerkules, sa ganap na ika-tatlo ng hapon [3 P.M.], idaraos sa lungsod ng Maynila ang heroes’ welcome para kay Carlos at sa mga atletang lumahok sa Paris Olympics.
Magsisimula ang parada sa Aliw Theater, CCP Complex, babaybayin ang Roxas Boulevard, Padre Burgos St., Finance Road, Taft Avenue, Quirino Avenue, Adriatico Street, at magtatapos sa Rizal Memorial Coliseum.
Read: Heroes’ Grand Homecoming Parade, naghihintay na kay Carlos Yulo at iba pang Pinoy Olympians