PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lolo ni Carlos Yulo, bakit di nakasama sa airport salubong?

Carlos Yulo, umiwas sa isyu?
by Jojo Gabinete
Published Aug 14, 2024
Carlos Yulo grandfather explains why he was not able to see Olympic gold medalist at airport
Hindi man nakasama sa airport salubong, desidido ang lolo ni Carlos Yulo na si Rodrigo Frisco na dadalo siya sa homecoming parade para sa Pinoy athletes na nagdala ng dangal sa bansa matapos ang Paris Olympics 2024.
PHOTO/S: Screengrab from ABS-CBN News / One Sports YouTube

Bumalik na sa Pilipinas ang mga Pilipinong atletang lumahok sa Paris Olympics 2024 nitong Martes ng gabi, Agosto 13, 2024,.

Lumapag sa Villamor Airbase ang chartered Philippine Airlines plane na sinakyan ng mga atleta na mainit at buong pagmamahal na sinalubong ng kanilang mga pamilya.

Read: Carlos Yulo wins back-to-back gold medals for the Philippines

Lumabas sa social media ang mga larawan ng mga atletang magiliw na yakap-yakap at hinahalikan ng kanilang mga kamag-anak.

Pero ang pamilya ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo ang hinahanap ng mga kababayan nating masugid na sinubaybayan ang kuwento ng hidwaan nila ng kanyang ina na si Angelica Yulo.

nesthy petecio carlos yulo
Nesthy Petecio and Carlos Yulo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na malalaman ng publiko ang panig ni Angelica dahil sa desisyon nitong huwag nang magsalita o magbigay ng panayam.

Ito ay matapos siyang humarap sa isang press conference noong Agosto 8 para magpaliwanag tungkol sa sigalot sa pagitan nila ni Carlos na gusto raw niyang tuldukan na.

Read: Angelica Yulo claims her FB post not a shade against Carlos Yulo

CARLOS YULO GRANDFATHER ON AIRPORT SALUBONG

Pero ang lolo ni Carlos na si Rodrigo Frisco ang nagbigay ng kasagutan tungkol sa hindi nila pagsalubong nang dumating ang kanyang apo mula sa Paris Olympics.

May kontribusyon si Rodrigo sa tagumpay ni Carlos bilang Filipino gymnast dahil siya ang nagdala sa kanyang apo noong maliit na bata pa ito sa Rizal Memorial Coliseum para makapag-ensayo sa Gymnastics Association of the Philippines.

carlos yulo rodrigo frisco
The young Carlos Yulo (enrcircled) with other aspiring gymanasts and his grandfather Rodrigo Frisco.
Photo/s: Nina Lim Yuson
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Rodrigo, walang anumang bahid ng malisya o intriga ang kanyang sagot tungkol sa hindi nila pagsalubong ng pamilya niya sa pagbabalik ni Carlos sa Pilipinas.

"Dapat nga sana masaya kaso nadismaya ako. Hindi kami pinayagang pumunta doon. Ang susundo lang daw, si President saka mga piling-piling media.

"Kaya imbes na masaya sana kaming lahat, nadismaya kami dahil naka-ready na kami sa pagsalubong, e. Naka-ready na kami," paliwanag ng 74-year-old grandfather ni Carlos.

Nang tanungin kung sino ang nagsabing huwag na silang sumalubong, sagot ni Rodrigo, "Nag-text daw sa papa niya na huwag na daw kaming sumama sa pagsalubong. Hindi ko rin alam kung sino, e. Pero si Caloy ata, e."

Read: Angelica Yulo, paano matatanggap ang girlfriend ni Carlos Yulo?

HOMECOMING PARADE

Hindi man sila nabigyan ng pagkakataong salubungin si Carlos sa Villamor Airbase, tiniyak ni Rodrigo na mag-aabang sila ng kanyang pamilya sa harap ng Ospital ng Maynila para saksihan ang grand homecoming parade para kay Carlos at sa Philippine Olympics team.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magaganap ito ngayong Miyerkules ng hapon, Agosto 14, 2024.

Bakas ang pananabik sa boses ni Rodrigo nang sabihin nito ang kagustuhang makita na ang kanyang apo.

Aniya, "Excited talaga dahil matagal na namin siyang hindi nakita. Yung mga kaibigan namin, gumawa na ng mga banner, kung anu-ano pa yata yung mga ginawa nila saka nag-prepara din sila ng pagkain para sa amin."

Postscript: Kung totoo mang si Carlos ang nagsabi sa ama nitong huwag nang sumalubong ang pamilya niya sa kanyang pagbalik sa bansa, dapat maunawaang maaaring umiiwas lamang siyang muling pagpistahan sila ng publiko at ng media dahil sa mainit na isyu tungkol sa kanila ng kanyang ina.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi man nakasama sa airport salubong, desidido ang lolo ni Carlos Yulo na si Rodrigo Frisco na dadalo siya sa homecoming parade para sa Pinoy athletes na nagdala ng dangal sa bansa matapos ang Paris Olympics 2024.
PHOTO/S: Screengrab from ABS-CBN News / One Sports YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results