PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carlos Yulo, natanggap na sa wakas ang kanyang Sinag Barong

Carlos Yulo, suotin kaya ang Sinag Barong sa Heroes' Parade?
by Jojo Gabinete
Published Aug 14, 2024
arsi baltazar & carlos yulo sinag barong
Two-time Paris Olympics gold medalist Carlos Yulo finally receives his Sinag Barong designed by Francis Libiran from Arsi Baltazar.
PHOTO/S: Courtesy of Arsi Baltazar

Hindi kasama si Carlos Yulo ng Team Philippines na sumakay sa bangka para sa Parade of Nations sa opening ceremony ng Paris Olympics na idinaos sa River Seine, Paris, France, noong Hulyo 26, 2024.

Read: Here's how much the Paris Olympics 2024 cost

Hindi niya nagamit at naisuot ang pinupuring Sinag Barong na nilikha ng international ng fashion designer na si Francis Libiran.

Nang bumalik sa Pilipinas ang Team Philippines na lumahok sa Paris Olympics, noong Martes, Agosto 13, personal na tinanggap ni Carlos mula kay Arsi Baltazar ang kanyang Sinag Barong na gawa ni Libiran.

Si Arsi ang chief executive officer at presidente ng Francis Libiran Corporation.

CARLOS YULO RECEIVES HIS SINAG BARONG

Nitong Miyerkules ng madaling-araw, Agosto 14, nakipagkita siya kay Carlos sa hotel na tinutuluyan nito para ibigay ang Sinag Barong ng double gold medalist sa men’s floor exercise at men’s vault events ng Paris Olympics.

arsi baltazar carlos yulo
Arsi Baltazar presents two-time Paris Olympics gold medalist Carlos Yulo his Sinag Barong
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Arsi, ipinadala na lamang kay Francis ang body measurements ni Carlos, na naging abala na sa paghahanda para sa Paris Olympics kaya hindi nagkaroon ng panahon sa pagsusukat at fitting.

“Nagpadala sila ng measurements sa amin,” lahad ni Arsi sa panayam sa kanya ng Cabinet Files ngayong Miyerkules ng tanghali, Agosto 14.

“Kaninang madaling-araw lang nakarating sina Carlos sa hotel, galing sila sa Malacañang Palace.

“Dahil kami [Francis Libiran] ang sponsor ng Sinag Barong ng mga atleta, binigyan kami ng time na ibigay kay Carlos yung Barong.

“Hindi siya nakasali sa opening parade ng Paris Olympics dahil naka-schedule na raw yung isang laban niya nung araw na yon kaya hindi na siya sumama sa boat.”

Read: Carlos Yulo at iba pang Pinoy Olympians, bumalik na sa Pilipinas

Inilarawan ni Arsi si Carlos bilang "napakabait" at "mapagkumbaba."

“Super happy and kinilig si Carlos, especially nung tinanggal namin sa suit bag yung barong para makita niya ang kabuuan at yung detachable armor na may pintados embroidery ng sinag ng araw,” kuwento naman ni Arsi tungkol sa reaksiyon ni Carlos nang mapasakamay nito ang Sinag Barong.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Gusto ng mga tagasuporta ni Carlos na makita itong suot ang Sinag Barong.

Umaasa silang gagamitin ni Carlos ang Sinag Barong sa grand homecoming welcome parade para sa Team Philippines na magaganap sa lungsod ng Maynila ngayong Miyerkules ng hapon.

Mag-uumpisa ang parada sa Aliw Theater sa CCP Complex at magtatapos ito sa Rizal Memorial Coliseum.

Umaga pa lang, nakaparada na sa Aliw Theater complex ang mga float na sasakyan ng Team Philippines kaya maraming tao na ang nagpapakuha ng litrato, lalo na sa float na may larawan ni Carlos.

carlos yulo float
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Two-time Paris Olympics gold medalist Carlos Yulo finally receives his Sinag Barong designed by Francis Libiran from Arsi Baltazar.
PHOTO/S: Courtesy of Arsi Baltazar
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results