Sina 1979 Bb. Pilipinas Universe Dang Cecilio, 1993 Bb. Pilipinas-Universe Dindi Gallardo at 1996 Bb.Pilipinas-Universe Aileen Damiles ang tatlo sa mga dating beauty queens na dumalo sa paglulunsad ng Beauty Ever After coffee-table book.
Read: Dindi Gallardo is now Mrs. Eric Scot Mills
Nangyari ang pagkikita nila noong Huwebes, Agosto 15, 2024, sa Novotel, Araneta City, Cubao, Quezon City.
Ang Beauty Ever After ay parang Encyclopedia of Beauty.
Proyekto ito ng Bb.Pilipinas Charities Inc. at bahagi ng ika-60 na anibersaryo na pagdiriwang ng Bb.Pilipinas na itinuturing na pinakamatagal at prestihiyosong beauty pageant sa bansa.
Sa bibihirang pagkakataon, muling nasilayan ng publiko sina Dindi at Aileen dahil hindi sila nakasipot sa grand coronation ng 60th Bb.Pilipinas na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Hulyo 7, 2024.
Ang edition ng pageant ay dinaluhan ng past Bb.Pilipinas winners mula 1964 hanggang 2023, at nakitang lumakad sa red carpet si Dang.
Read: Binibining Pilipinas 2024 sidelights: sino ang mga agaw-eksena?
WHO IS DANG CECILIO?
Si Dang ay naging aktres noong 1980s, at nakatrabaho ng Action King na si Fernando Poe Jr. sa mga pelikulang Kapag Buhay ang Inutang (1983), Roman Rapido (1983), at Ulo ng Gapo (1985).
QUICK THROWBACK ON DINDI GALLARDO AND AILEEN DAMILEZ'S MOVIE CAREER
Sina Dindi at Aileen naman ay naging aktibo sa showbiz noong dekada ’90 hanggang magdesisyon silang magkaroon ng pribadong pamumuhay.
Si Dindi ay nakagawa ng maraming pelikula, gaya ng Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko (1994), Dyesebel (1996), Ang Pinakamagandang Hayop Sa Balat ng Lupa (1996), at nagkaroon ng mga regular television show noong dekada ’90.
Si Aileen naman ay nakasama sa mga pelikulang gaya ng Isusumbong Kita sa Tatay Ko (1999) at Dahil May Isang Ikaw (1999) bago ito nagpasyang pagtuunan ng panahon at atensiyon ang lalaking minahal niya at ama ng kanyang dalawang anak.
Ang event ang unang pagkakataong nakita si Aileen ng publiko matapos pumanaw noong Hunyo 16, 2020 ang tatay ng mga anak niya.
ABOUT BEAUTY EVER AFTER BOOK
Mabibili sa halagang PHP5,000 ang Beauty Ever After na naglalaman ng mga larawan at panayam sa mga Bb.Pilipinas titleholders, gaya nina Miss Universe 1969 Gloria Diaz, Miss International 1979 Melanie Marquez, at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Sina Jun de Leon at Wig Tysman ang dalawa sa mga award-winning photographers na kumuha sa larawan ng mga dating Bb.Pilipinas beauty queens.
POSTSCRIPT. Movie producer, award-winning scriptwriter at director si Jun Lana.
Hindi siya photographer, na siyang inilagay ng GMA Lifestyle sa report nito na: "The more than 400-page book features portraits of the previous Binibining Pilipinas winners taken by acclaimed photographer Jun Lana, along with short articles that tell their stories, something that current winners are looking forward to reading.”