PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pre-campaign posters sa Laguna, naglipana na

Paramihan, pagandahan ng message at...pictures!
by Jojo Gabinete
Published Aug 18, 2024
Pre-campaign posters of Dan Fernadez, Gem Castillo-Amante, Sol Araganoes in Laguna
Sa mga magagawi sa Laguna, babalandra ang mga posters na ito ng mga kandidatong sina (R-L) Sol Agarones, Dan Fernandez, at Gem Castillo-Amante.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Nakatakda sa Oktubre 1 hanggang Oktubre 8, 2024 ang paghahain ng kandidatura sa Commission on Elections ng mga nagnanais na kumandidato para sa iba’t-ibang posisyon sa pamahalaan.

Sa Mayo 12, 2025 ang botohan.

Pero sa lalawigan ng Laguna, damang-dama na ang election fever dahil sa mga nakasabit na campaign posters sa mga poste at tabing-kalsada.

Base sa mga early campaign poster na namataan ng Cabinet Files, kakandidato si Dan Fernandez na gobernador sa lalawigan ng Laguna. Siya ay kasalukuyang nanunungkulan bilang house representative ng lone district ng Sta. Rosa City, Laguna.

dan fernandez poster in Laguna
Photo/s: Cabinet Files
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Running mate ni Fernandez ang former actress at That’s Entertainment member na si Gem Castillo-Amante, ang asawa ni incumbent San Pablo City Mayor Vicente Amante.

Gem Castillo-Amante poster in Laguna
Photo/s: Cabinet Files

Bukod sa poster nina Dan at Gem na magkasama sila, may solo billboard ang aktor na nagpapaalaala sa mga motorista at pasahero na, "Mag-ingat sa paglalakbay.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang former ABS-CBN news reporter na si Sol Aragones, na naglingkod bilang house representative ng third district ng Laguna mula 2013 hanggang 2022, ang isa sa mga makakalaban ni Dan sa gubernatorial race.


sol aragones poster in Laguna
Photo/s: Cabinet Files

Malalaking letra ng “Si Sol Aragones ang Governor Ko” at "Akay ni Sol Party-List, Ilalaban Ko!" ang nakasulat sa mga billboards at campaign posters ni Sol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakikipag-agawan din ng espasyo sa kahabaan ng kalsada sa iba’t-ibang bayan ng Laguna ang mga posters ni Department of Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr.

Nakasulat sa mga ito ang, "Pangalagaan ang Kaligtasan, Bulok na Generic ay Iwasan. Ipalit ng libre ang luma at generic na LPG cylinders sa mga lisensyadong LPG dealer (Under RA 11592)."


benhur abalos poster
Photo/s: Cabinet Files
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi taga-Laguna si Abalos kaya may mga haka-hakang kakandidato siya para sa mas mataas na posisyon, pero hindi pa ito nakalagay sa kanyang mga “public service posters.”

Napanood si Abalos sa mga episodes ng Black Rider at Family Feud, at ang mga guestings na ito sa mga nabanggit na programa ay malakas na indikasyon na kakandidato siya sa eleksiyon sa Mayo 2025.

FILTERS SA MGA CAMPAIGN POSTERS

Samantala, napansin ng Cabinet Files na nasobrahan sa photoshop ang ilang larawang ginamit sa mga campaign posters hindi lang sa Laguna kundi sa iba't ibang lugar.

Magkaiba kasi yung mukhang makikita sa larawan kumpara sa pisikal na kaanyuan ng mga kandidato sa personal.

Aakalain mong ibang tao ang ibinoto mo.

Nakaka-miss lang yung mga panahong hindi pa uso ang photoshop at mga filter apps.

Makikita ka rin lang ng constituents mo sa personal, bakit kailangan pang ibahin ang hitsura sa posters?

Kung talagang nais ng mga kandidato na makuha ang tiwala, respeto, at paghanga ng mga tao, ito ang basic step.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Huwag sanang lituhin ang publiko, at huwag sanang paglaruin ang mga tao ng, "Alin? Alin ang naiiba?!!!"

Huwag sana silang magpanggap at huwag nilang ikahiya ang mga tunay na itsura at hugis ng katawan.

After all, hindi ito pagandahan o paguwapuhan.

Sana kahit sa panahon ng social media, manaig pa rin ang pagpapahalaga sa authenticity.

Walang namang mawawala kapag magpapakatotoo ang mga kandidato.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa mga magagawi sa Laguna, babalandra ang mga posters na ito ng mga kandidatong sina (R-L) Sol Agarones, Dan Fernandez, at Gem Castillo-Amante.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results