Nagwakas noong Miyerkules, Agosto 14, 2024 ang Season 2 ng Sparks Camp, ang dating reality game show para sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community at apat sa sampung mga camper ang may mutual sparks sa isa’t isa, ang model-turned-actor na si Zuher Bautista at si Martin Chua at sina Allan Pangilinan at Kyle Adlawan.
Ang pagsali sa Sparks Camp na napapanood sa YouTube channel ng Black Sheep ang ginamit ni Zuher na paraan para ipaalam sa publiko ang kanyang tunay na sexual orientation.

ZUHER, TIKOM PA RIN ANG BIBIG SA MGA NAKARELASYONG SHOWBIZ CELEBRITIES?
Kontrobersyal na si Zuher bago pa man ito sumali sa Season 2 ng Sparks Camp dahil bukod sa pagkakasangkot sa drug case noong Nobyembre 2018, pinag-usapan ang diumano’y pagkakaroon niya ng relasyon sa isang aktor.
Nakumpirma na totoo ang mga balita na may mga nakarelasyon na artista si Zuher dahil sa isang watch party para sa Sparks Camp, nagsalita ang direktor na si Fifth Solomon ng “Friend ko si Zuher. Nabanggit kasi ni Zuher na you came out sa show, di ba? Siyempre nung inilabas yung promo about the Sparks Camp, I just want to ask you if yung mga ex mo bang celebrity, nag-congratulate sa’yo? I think dalawang ex yun.”
Sumagot si Zuher ng, “To be honest, in-inform ko naman sila. Sinabi ko na lang na lumabas na yung isyu so kailangan maging ready kayo and yes kinongrats nila ako,” pero hindi siya nagbanggit ng pangalan ng mga celebrity na kanyang nakarelasyon noon, kaya may dahilan para makahinga nang maluwag ang mga tao na tinutukoy niya.
Read:
Zuher Bautista, closeted gay actors karamihan ng nakarelasyon
ZUHER, ALL-OUT SA DEKLARASYON NG PAGMAMAHAL PARA KAY MARTIN
Sa huling kabanata ng Sparks Camp Season 2 noong Agosto 14, maalab na halik sa labi ang iginawad nina Zuher at Martin sa isa’t isa nang mapatunayan nila na may mutual sparks sila.
“I can’t believe someone as hot as you and someone as pogi as you would be so sweet, so kind and so genuine not just to me but to all the campers here.
“I didn’t expect this talaga to happen but Zuher, you are my spark,” ang kabadong-kabadong pahayag ni Martin kay Zuher na tila kapalaran na ang maugnay sa mga Martin dahil ito rin ang pangalan ng showbiz personality na naugnay sa kanya noon.
“Thank you kasi na-appreciate mo ako,” ang reaksyon ni Zuher sa mga sinabi ni Martin sa kanya.
“Thank you kasi concerned ka na baka masaktan ako bilang alam mo na sensitive ako saka alam mo na ang laki ng trust issues ko.
“Pero mas thank you kasi nag-take ka ng risk kahit alam mong may naka-mutual akong iba. So right now, magte-take din ako ng risk.
“Gusto ko na uling sumubok magmahal. Gusto ko na ulit sumubok magtiwala kaya Martin, I am giving you my spark din.”
Sa kanyang recent Instagram post, muling lumitaw ang pagiging hopeless romantic ni Zuher dahil sa mensahe ng pagmamahal niya para kay Martin.
Aniya, “After having been through a roller coaster of emotions, I felt a change of course in my journey. I met this funny, child-like being who is a ball of energy, yet smart, driven, and at the same time, clumsily cute.
“These traits endeared him to me and made me want to see him every now and then. I find myself checking on him if he was doing okay. Then I realized, that this could be the spark that I was looking for.
“As time quickly passed, I’ve seen your consistency to get to know me better. And unknowingly, I also gravitated towards pursuing you. You simply are present—just always there for me. And that’s a huge deal. I am grateful for your sweet gesture, our simple talks and all the sincerity in between.. I felt those... I felt YOU.
“Thank you for being who you are. Without you, this journey will be meaningless. I mean that.
“I may have done a lot of wrong decisions in my life... very few rights. And of those few, I’m sure you are one of them. My spark belongs only to you, JUST YOU.”
Read:
Mela Habijan on Sparks Camp campers: "Mayroong NBSB, mayroon namang jaded na sa pag-ibig."