Matapos ang ilang araw na pananahimik, aktibo na muli sa social media ang ina ni Carlos Yulo na si Angelica Yulo.
Mahalaga ito para sa kanyang dati nang negosyong may pangalang Yulo’ves Food Haven by Angelica Yulo.
Ipinagmamalaki ni Angelica na “Good food…foods that cooked and made with love… Foods of the champion” ang mga pagkaing itinitinda niya at ikinabubuhay ng kanyang pamilya.
Kabilang na rito ang honey buttered chicken at Vigan longganisa.
Read: Carlos Yulo's mother speaks up about "mukhang pera" accusations
BUSINESS AS USUAL
Naranasan ni Angelica maging biktima ng matinding mga batikos sa social media dahil sa pinag-uusapan at pinagpipistahang hidwaan nila ng kanyang anak, na dalawang gintong medalya ang napanalunan sa katatapos lamang na Paris Olympic.
Nakaranas man ng masasakit na salita at paratang si Angelica, nagkaroon ito ng positibong epekto dahil mula sa 12,000 followers noong Agosto 4, 2024, mayroon nang 44,000 na tagasubaybay sa kasalukuyan ang official Facebook page ng ina ni Carlos.
Malaking tulong ito sa food business niya.
Read: Carlos Yulo's gymnastics journey, family, love: A timeline
Patunay sa tagumpay ng pagbebenta ni Angelica ng longganisa ang maraming orders mula sa mga taong nakikisimpatiya at sinusuportahan siya para lumago ang maliit na negosyo.
Tila pahiwatig at sagot din ito sa kanyang detractors na kayang-kaya niyang tumayo sa sariling mga paa at hindi aasa ang pamilya nila sa mga milyun-milyong pabuyang natanggap ni Carlos.
Pero sa kabilang banda, may mga nagdududa rin sa tunay na intensiyon ni Angelica ng pagpu-post ng larawan nilang pamilya na hindi kasama si Carlos.
May kumukuwestiyon din sa pagpu-post ni Angelica ng larawan ng mga regalong rubber shoes ng isang grupo sa kanilang pamilya.
Read: Carlos Yulo breaks silence on money issue with his mother
YULO FAMILY'S GONDOLA RIDE
Ibinahagi rin ni Angelica sa social media account nito ang video nila ng kanyang pamilya habang nakasakay sila sa gondola at naglalayag sa man-made grand canal ng Venice Grand Canal Mall sa Taguig City.
Nauna nang sumakay sa gondola at naglayag sa grand canal ng Venice Mall si Carlos at si Gymnastics Association of the Philippines President Cynthia Carrion noong Agosto 14.
Iyon ang ang araw na tinanggap ng two-time Olympic gold medalist ang three-bedroom condominium unit na nagkakahalaga ng PHP35 million na ipinagkaloob ng Megaworld Corporation dahil sa tagumpay niya sa men’s floor exercise at men’s vault events ng Paris Olympics.
Read: Inside Carlos Yulo's PHP32-million condo unit
Sa kasalukuyan ay pareho nang tahimik ang kampo ni Carlos at ng kanyang ina kaugnay ng isyu sa kanilang pamilya.
Hindi rin malinaw kung nagkita na si Carlos at ang kanyang pamilya mula nang makabalik siya sa Pilipinas mula sa matagumpay niyang laban sa Paris Olympics.