PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Isko Moreno, nagpaparamdam na sa kanyang "pagbabalik" sa Manila

Chi Atienza-Valdepenas, posibleng running mate ni Isko Moreno.
by Jojo Gabinete
Published Aug 20, 2024
isko moreno manila
Isko Moreno has yet to give a confirmation about his return to politics but his posters and tarpaulins are now visible around Manila City.
PHOTO/S: Isko Moreno Domagoso Facebook

Hindi pa kinukumpirma ni Isko Moreno ang maugong na balita tungkol sa kanyang intensiyong muling kumandidato bilang alkalde ng Maynila sa halalan sa Mayo 12, 2025.

Pero makikita na sa paligid ng lungsod ang mga poster at banner niya.

Read: Isko Moreno, tatakbo ulit na Manila mayor sa 2025?

isko moreno posters
Isko Moreno posters can now be seen around Manila
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lalong umingay ang mga haka-hakang babalikan ni Isko ang posisyong iniwanan nito noong 2022 nang tumakbo siyang pangulo ng Pilipinas dahil sa kanyang nakakaintrigang Facebook post ngayong Martes ng hapon, Agosto 20, 2024.

Ito ay ang sikat na lyrics ng "Manila," ang 1976 hit song ng Hotdog"

“Manila, I keep coming back to Manila… Simply no place like Manila… Manila, I’m coming home!”

isko moreno facebook post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumbinsido ang maraming nakabasa sa “social media teaser” ni Isko na wala nang makapipigil sa kanyang muling tumakbo na mayor ng Maynila, ang posisyon na hinawakan niya mula Hunyo 30, 2019 hanggang Hunyo 30, 2022.

Read: Isko Moreno at Willie Revillame, magbago kaya ang isip na tumakbong senador sa 2025?

ISKO'S RUNNING MATE

Ang former Star Circle member na si Chi Atienza-Valdepenas ang pinaniniwalaang running mate ni Isko dahil ang mga larawan nilang magkasama ang nakikita sa mga poster sa paligid ng Maynila.

chi atienza isko moreno manila
Chi Atienza-Valdepenas and Isko Moreno
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Chi ay anak ni former Manila City Mayor Lito Atienza at nakababatang kapatid ng TV host at weather anchor na si Kim Atienza.

Napapanood si Chi sa Rise and Shine Pilipinas, ang morning news program ng PTV4 na tiyak na iiwanan niya kapag naghain na sila ni Isko ng kanilang mga kandidatura sa Commission on Elections sa Oktubre 2024.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isko Moreno has yet to give a confirmation about his return to politics but his posters and tarpaulins are now visible around Manila City.
PHOTO/S: Isko Moreno Domagoso Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results