Ang 28-year old transgender woman na si Catalina Marsano ng Peru ang nagwagi na Miss International Queen 2024 sa crowning finale na naganap noong Sabado nang gabi, Agosto 24, 2024 sa Tiffanys Show, Pattaya, Thailand.

Ang Miss International Queen ang itinuturing na pinaka-prestihiyoso na international beauty pageant para sa transgender women kaya napaluha si Marsano sa tagumpay na kanyang nakamit.
Kalahating milyon na Thai baht ang isa sa mga premyo na matatanggap ni Marsano na kinoronahan ni Miss International Queen 2023 Solange Dekker ng Netherlands.
First runner-up ni Marsano si Miss Thailand Saruda Panyakham at ang crowd favorite na si Nguyen Turong San ng Vietnam ang second runner-up at siya rin ang tumanggap ng special award na Miss Photogenic at Best National Costume.
SOPHIA POSTS TOP 6 FINISH
Top six finisher ang Philippine official candidate na si Sophia Nicole Arkanghel, pati na ang Filipino- American delegate ng USA na si Kataluna Enriquez.

APAT NA CANDIDATES, MAY DUGONG PILIPINO
Apat sa dalawampu’t tatlong opisyal na kandidata sa Miss International Queen 2024 na may tema na The Force of Transformation ang may dugong Pilipino, sina Arkanghel, Enriquez, Miss Canada Adriana Fernandez at Miss Japan Rin Tsuchiya pero wala sa kanila ang pinalad na magkaroon ng puwesto sa international beauty pageant na nilahukan nila.
At dahil hindi pinalad na magwagi si Arkanghel, nakakatanggap ng mga batikos ang Miss International Queen Organization mula sa mga Pilipino na hindi matanggap ang resulta.
Read: