PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aljur Abrenica at AJ Raval, itinangging may anak na sila

Aljur, inaming pinag-uusapan na nila ni AJ ang paglagay sa tahimik.
by Jojo Gabinete
Published Aug 28, 2024
aljur abrenica aj raval unplugged
Aljur Abrenica on girlfriend AJ Raval: “Si AJ, she’s very supportive especially pagdating sa akin, kung paano ko maalagaan yung mga bata. Sometimes, siya pa nga ang nakakakita, ‘Alam mo ba na ganito ang hilig ng mga anak mo?’"
PHOTO/S: Julius Babao Unplugged YouTube

Nobyembre 2022 nang kumalat ang balitang isinilang diumano ni AJ Raval ang panganay na anak na babae nila ni Aljur Abrenica.

Pero tahasang tumanggi ang dalawa sa magkahiwalay na panayam sa kanila ni Julius Babao sa Unplugged YouTube channel ng veteran broadcaster na in-upload nitong Martes, Agosto 27, 2024.

Read: Aljur Abrenica, AJ Raval spotted at an event with a young girl

Si AJ ang unang tinanong ni Julius tungkol sa isyu.

Sagot ng dating Vivamax star, “First of all, hindi po ako taun-taon buntis. Parang yearly na lang po akong buntis.

“Siguro po kung mabubuntis man ako ngayon, magalit man yung maraming tao, ako pa rin po yung pinakamasayang tao sa buong mundo.”

Sa tanong tungkol sa kanyang reaksiyon sa mga haka-hakang nawala siya noon sa sirkulasyon dahil sa pagbubuntis niya, sinabi ni AJ na hindi niya masyadong pinagtuunan ng pansin ang isyu.

Read: AJ Raval addresses rumor about Aljur Abrenica getting her pregnant

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, “Hindi ko siya masyadong binigyan ng focus kasi nung nawala ako, ang saya-saya ko.

"Imagine, kahit papaano, naka-graduate ako, nag-ALS ako, natulungan ko yung mga tao sa programa na yun.

"May mga na-inspire ako, bakit ako magpo-pokus sa ganoong bagay, di ba?

“Actually, hindi ko na siya napansin masyado. Parang nasanay na ako sa mga isyu-isyu tsaka yearly ako buntis every day.”

Ang pagtatapos ng high school noong Hulyo 2023, sa pamamagitan ng Alternative Learning System sa San Fernando, Pampanga, ang tinutukoy ni AJ na isa sa mga pangarap niyang natupad na nagpatindi sa kanyang hangaring gamitin ang pagiging artista para makapagbigay ng magandang ehemplo sa mga tao.

Read: AJ Raval graduates from high school at 22

Aljur Abrenica, AJ Raval
Photo/s: @ajravsss Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ALJUR ABRENICA ALSO DENIES RUMOR

“Wala po,” walang pag-aalinlangang sagot ni Aljur Abrenica sa diretsahang tanong ni Julius tungkol sa pagkakaroon nila ni AJ ng inililihim na anak.

Ito kasi ang balitang lumalabas sa social media at may larawan pa ng bata.

Natatawang sabi ni Aljur, “Actually, nakita ko yon kagabi. Nakita ko yon sa social media.

"Sir Julius, hindi talaga… ewan ko ba.

“Yung nangyari nga sa amin noon, parang lumipas muna yung isang taon bago ko nalaman na, 'Ah, may isyu pala.'

“Yung kagabi, nakita ko nga. Sabi ko, 'Bakit natsitsismis na may anak kami? Ang bilis naman lumaki ng bata.'”

Read: Jeric Raval addresses persistent rumor that AJ Raval has a baby with Aljur Abrenica

Pero kilala niya ba yung bata?

Sabi ni Aljur, “Yung bata na yon, isa sa mga kamag-anak, e. Hindi ko alam kung kaninong anak dun sa family niya.”

Aljur Abrenica, AJ Raval with baby girl
Photo/s: Courtesy: Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pinuri ni Aljur ang buong-buong suporta na ipinakikita sa kanya ni AJ, at inamin niyang napag-uusapan din nila ang pagkakaroon ng sariling pamilya.

“Si AJ, she’s very supportive especially pagdating sa akin, kung paano ko maalagaan yung mga bata,” sabi ni Aljur, pagtukoy sa dalawang anak niya sa estranged wife na si Kylie Padilla.

“Sometimes, siya pa nga ang nakakakita, ‘Alam mo ba na ganito ang hilig ng mga anak mo?’

“Kasi minsan, hindi ko nakikita. Minsan sasabihin niya,’Alam mo ba na appreciative yung anak mo sa ganitong bagay?’

“She’s very supportive basta sa ikabubuti ko.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aljur Abrenica on girlfriend AJ Raval: “Si AJ, she’s very supportive especially pagdating sa akin, kung paano ko maalagaan yung mga bata. Sometimes, siya pa nga ang nakakakita, ‘Alam mo ba na ganito ang hilig ng mga anak mo?’"
PHOTO/S: Julius Babao Unplugged YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results