Takot ang unang naramdaman ni Albie Casiño nang malaman nitong magiging ama na siya.
Pero hindi nagtagal, napalitan ng pagkasabik ang pangamba nang isilang ang kanyang anak na si Roman Andrew.
Read: Albie Casiño meets son for the first time
Napapangiti at ganado sa pagkukuwento si Albie sa tuwing napag-uusapan ang anak niyang sentro ngayon ng kanyang buhay.
“At first, siyempre takot and then naging excitement din. And then it just turned to…wala, e.
"Ito na ang kailangan kong gawin. This is my life now. It’s the best,” pahayag ni Albie.
Ipinagtapat ni Albie sa Cabinet Files na nakatulong ang pagkakaroon at pag-aalaga niya ng aso sa kanyang bagong responsibilidad bilang ama.
Kuwento niya, “Having a dog kinda readied me kasi, di ba, kapag pagod ako, galing taping or nag-gym ako, even if I don’t wanna walk the dog, I have to walk the dog because she needs to be walked.
“It’s like that. Kung may days na lazy ka sa bahay, ayaw mong umalis, but ubos na yung dog food. I have to buy dog food.
“So it taught me a little bit of responsibility for now that I really need all of the responsibility.”
ALBIE CONSTANTLY CHECKS BABY'S BREATHING
Masigasig si Albie sa pagtulong sa kanyang girlfriend na si Michelina sa pag-aalaga sa anak nila.
“Super Facetime kami kapag nasa work ako. Iniisip ko pa rin siya.
"When I’m home, super happy ako.
“He’s developing a personality na, like, nakikilala na niya kung sino kami. Kapag narinig na niya ang boses ko, hinahanap na niya ako.
"Or kapag pumupunta yung mom ko, kapag narinig niya yung boses ng mom ko, alam niya na nandoon na yung lola niya.”
Read: Albie Casiño's mother opens up about son being a new dad
Gaya ng ibang mga baguhang ama, madalas na tinititigan ni Albie si Roman Andrew.
Natatawang ikinuwento ng 31-year-old actor na madalas na tinitingnan niya kung humihinga ang kanyang anak.
“Nung pinuntahan ko siya sa U.S., wala talaga. Tinititigan ko lang siya tapos kapag natutulog, tinitingnan ko kung humihinga.
“Kapag sobrang pagod na pagod ka, [sinasabi ko], ‘Please, matulog ka na.’
“Okay, puwede na akong mag-gym or something. Tapos habang nagdyi-gym ka, 'I-check ko nga ito. Humihinga ba ito?'
"Kikilitiin mo yung paa, kung gumalaw, okay. Balik-gym ka uli."

DADDY DUTIES
Pagpapatuloy ni Albie: “My baby now, he has a bedtime. I put him down at 8:30 P.M., then he’ll wake up always around 11 P.M. to 1 A.M.
"Then you have to feed him, change him, and if you guys know babies, you can’t change them right away.
"Kapag inihiga mo, susuka yan so I gotta burp him. And then you put him down and change him and then he’ll wake up again at, like, 3 A.M.
“And my girl, Michelina, will go home to the States in September so ako lang dito.
"We have a yaya, of course, but she doesn’t sleep in the room with us.
“But then again, I don’t mind. When he smiles when he sees you, nawawala ‘yung pagod.”
Ano ang gusto niyang itawag sa kanya ni Roman Andrew?
Ayon kay Albie, “My dad is Lolo Papa. There’s a funny story kasi ‘coz I’m the eldest grandson sa mom side ko.
"So, all of my cousins, ang tawag nila sa dad ko, Papa.
“So everyone calls my dad Papa so I want my baby to call my dad Papa also.
"Anything, except Papa na itawag sa akin, okay lang.”
Malaki raw ang ipinagbago ng mga pananaw sa buhay ni Albie mula nang maging tatay siya.