Trigger Warning: Mention of sexual harassment, indecent proposal
Ang mga baguhang aktor na may matatayog na pangarap sumikat sa showbiz ang sinasabig lapitin ng indecent proposals at sexual harassment.
Kaugnay nito, inalam ng Cabinet Files ang opinyon ng Vivamax newcomers na sina Mon Mendoza, Calvin Reyes, at JD Aguas tungkol sa kontrobersiyal na isyu ng sexual harassment sa showbiz.
Read: Sandro, Gerald, TV5 talent scandals pinagpipistahan ng publiko
MON MENDOZA
Sina Mon at Calvin ang lead actors ng Vivamax movie na F Buddies.
Nakuha nila ang atensiyon ng entertainment press dahil sa kanilang nagpakatotoong mga pahayag.
“Kung sakaling meron, baka pumayag ako,” sabi ni Mon.
Pero kaaagd niyang pagbawi, “Joke lang po. Kasi, kumbaga, nasa sa yo naman po yun kung papayag ko o hindi.
"Pero mas masarap na maranasan yung tagumpay kung galing ka sa ibaba. Yung paghihirapan mo po muna talaga.”

Paano kung mapanukso ang alok, isang tempting offer na mahirap tanggihan?
Prangkang sagot ni Mon, “Kahit tempting, pero siyempre magdadalawang-isip ako.
"Kasi paano po kung maganda yung offer, di ba? Hihiga ka lang naman.”
Naniniwala ba siya sa kasabihang "lalaki naman kaya walang mawawala"?
“Naniniwala po ako, huwag ka lang po sigurong matitira sa p…t,” pilyong sagot ni Mon, na ikinagulat pero natawang entertainment writers na kaharap niya.
Read: Sandro Muhlach, idinetalye ang naranasan umanong pang-aabuso
CALVIN REYES
Isiniwalat naman ni Calvin na mula nang lumabas siya sa mga proyekto ng Vivamax, nakatatanggap siya ng mga mensahe.
Praktikal din ang kanyang pananaw tungkol sa isyu ng indecent proposal.
Saad niya, “May mga nagme-message po na ganito, ganyan na offer. Wala pa [tinatanggap]
"Pero kapag dumating na po ako sa point na kailangan na po siguro, papasukin ko na rin po siguro, kapag kailangang-kailangan na ng pamilya ko. Para sa pamilya ko."
Read: Gerald Santos, apat na beses tinangkang tapusin ang sariling buhay

JD AGUAS
Tungkol naman sa isyung kinasasangkutan ng direktor na si Joel Lamangan at ni Ahron Villena ang pinagtuunan ng pansin ni JD Aguas.
Si JD ang bida sa Butas, at pinsan siya ng aktor na si Nash Aguas.
Read: Did Ahron Villena take a swipe at director Joel Lamangan?
Pinili raw ni JD maghubad sa pelikula dahil sa masidhing kagustuhang matupad ang kanyang matagal nang ambisyong makapasok sa showbiz, tulad ng pinsan niya.

Pahayag niya: “Ang take ko about the issue is yung consent po between the actor and the director.
"Kung talagang nandoon ka for the work, na hindi anything else na may agenda kang iba, bilang aktor, responsibility mo yon at ng direktor.
“Yung consent, kung yung aktor mismo ang pumayag, may consent mo, tapos biglang nag-react ka, pero lumipas na yung panahon, tapos [ang katuwiran mo], 'Baguhang aktor ako noon,’ for me, hindi tama yon.
“Baguhang aktor din ako. Pero kung walang consent, dun ka talaga puwedeng magreklamo.
"Pero kung hindi ka nagsalita, ibang bagay na po yon."