PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame, nag-trending ulit dahil sa Family Feud viewer

Willie Revillame, binatikos na naman ng netizens dahil sa kumalat na video clip.
by Jojo Gabinete
Published Aug 29, 2024
willie revillame wil to win
Wil To Win host Willie Revillame gets flak anew for cancelling call with a female player who is watching rival program, Family Feud. But the mechanics of the game clearly point out that players should be watching Willie's program for them to win cash prize.
PHOTO/S: Wil To Win YouTube

Viral ang video ng episode ng Wil To Win ng TV5 noong August 23, 2024 dahil hindi na pinaglaro ni Willie Revillame ang babaeng tinawagan niya sa cellphone para maglaro sa "Spin A Wil" segment at may tsansang mabigyan ng PHP50,000 na premyo.

Nabigo ang babaeng makapaglaro ng "Spin A Wil" dahil siya mismo ang nagsabi na ang Family Feud, ang game show ng GMA-7 na katapat ng Wil To Win, ang kanyang pinapanood.

Read: Willie, itinangging hanggang December 2024 na lang ang Wil To Win

Dahil hindi na pinaglaro ni Willie ang babae, binigyan ito ng masamang kahulugan ng ibang netizens na nakapanood ng video clip at nakatanggap na naman ng mga batikos ang controversial TV host.

Ito ay kahit malinaw na Tutok To Win ang pamagat ng show ni Willie at isa sa importanteng mechanics ng laro ay dapat nakatutok sa panonood ng programa ang mapalad na tinawagan sa cellphone para manalo ng premyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WILLIE'S CONVERSATION WITH FAMILY FEUD VIEWER

Ito ang bahagi ng palitan ng pag-uusap ni Willie at ng babaeng nagpadala ng sulat sa Wil To Win para makasali siya dahil kailangan niya umano ng panggastos para sa pag-aaral ng kanyang anak.

Babae: “Sino ba ito?”

Willie: “Huwag ninyo akong papagalitan, huwag ninyo akong mumurahin. Ako po ay may magandang balita sa inyo!” a

Babae: “Ano po ba yon? Sino po ba ito?”

Willie: “May maganda nga akong balita.”

Babae: “Ano nga po yung balita ninyo?”

Willie: “Eto ang balita ko sa inyo. E, ano ba ang ginagawa ninyo ngayon, sabihin ninyo muna sa akin.”

Babae: “Nagse-cellphone.”

Willie: “May sumulat sa akin, 'Gusto kong sumali sa programa dahil ako e nagbabakasakali na matawagan. Palarin na manalo para sa pag-aaral ng anak ko, pampa-check up ko. Sana dagdag panggastos. Sana, Kuya Willie, matulungan ninyo kami.' Kayo ba yon?”

Babae: “Opo. Saan po ba kasing programa ‘to?” a

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Willie: “E, ano ba ang pinapanood niyong programa?”

Babae: “Sa GMA po, Family Feud.”

Willie: “Ay ganoon ba, Family Feud? E, sayang po, Wil To Win ‘to. Salamat po. Sayang, no, sana magwi-Wil to Win kayo. Sige po, enjoy Family Feud, ba-bye.”

Natawa nang malakas si Willie nang marinig ang sinabi ng babae.

willie revillame wil to win
Photo/s: Wil To Win YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ng TV host sa audience at sa mga manonood, “O, di kitang-kita ninyo, hindi ito scripted. Totoong-totoo yung ginagawa namin. Tumatawag kami.

"E, Family Feud pala ang pinapanood niya, tapos bibigyan ko siya ng PHP50,000. Aba, e, dun na lang siya manood di ba?”

Read: Wil To Win, kumusta ang rating kontra Family Feud?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WILLIE GIVES OFW FROM HONG KONG pHP20,000

Sa mga lumabas na viral video, binigyan na ng malisya ang ginawa ni Willie dahil pinaratangan siyang pinagbagsakan ng telepono at binastos ang babae.

Pinagtuunan lamang ng pansin ng netizens ang eksena sa pagitan ni Willie at ng babang Family Feud ang pinanonood na programa.

Walang nagbanggit sa sumunod na pangyayari: ang random cellphone call ni Willie na sinagot ni Delia, na nagpakilala bilang domestic helper na anim na buwan nang nagtatrabaho sa Hong Kong.

Hindi na pinaglaro ni Willie si Delia sa "Spin A Wil" dahil binigyan na lamang niya ng PHP20,000 ang OFW, na tuwang-tuwa at lubos ang pasasalamat sa hindi inaasahang regalo na kanyang natanggap.

Sa dalawang eksenang magkasunod na napanood sa Wil To Win noong nakaraang linggo, ang eksena ng contestant na tumatangkilik sa Family Feud ang pinagpistahan at inintriga nang husto ng publiko, hindi ang pagkakaloob ni Willie ng PHP20,000 sa domestic helper sa Hong Kong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa itong patunay na higit na pinahahalagahan ng ilan sa ating mga kababayan ang mga kontrobersyial na pangyayari na libre nilang nagagamit at napagkakakitaan sa kanilang mga social media content.

Read: Willie Revillame, nagsagawa ng telethon para sa typhoon victims

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wil To Win host Willie Revillame gets flak anew for cancelling call with a female player who is watching rival program, Family Feud. But the mechanics of the game clearly point out that players should be watching Willie's program for them to win cash prize.
PHOTO/S: Wil To Win YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results