Buo na ang pasya ng isang female TV reporter na maghain ng reklamo laban sa male TV personality na diumano’y hinipuan at hinalikan siya sa isang pagtitipon na nangyari noong Disyembre 2023.
Bukod sa female TV reporter, may iba pang kababaihang naging biktima umano ng panghihipo ng male TV personality, pero may mga nagbitaw na sa tungkulin sa TV network na kanilang pinaglilingkuran.
Natatakot din silang lumantad sa publiko dahil kanilang isinasaalang-alang ang kahihiyan ng pamilya.
Read: Talent accuses TV5 News and Current Affairs program manager of sexual harassment
Hindi nagsayang ng panahon ang female TV reporter. Agad nitong ipinarating sa network management ang pambabastos na ginawa sa kanya ng kasamahan niya sa trabaho.
Nagkaroon ng tahimik na imbestigasyon tungkol sa reklamo ng female TV reporter.
Natanggal sa trabaho ang akusado.
Hindi na lumaki ang isyu kaya hindi na ito pinagpistahan ng publiko tulad ng nangyari sa kaso nina Sandro Muhlach, Gerald Santos, at ng dating male news researcher ng TV5.
Read: Sandro, Gerald, TV5 talent scandals pinagpipistahan ng publiko

EVIDENCE AGAINST MALE TV PERSONALITY
Pero muling nanariwa sa female TV reporter ang kinikimkim na galit sa kalaswaang ginawa ng male TV personality nang kanyang malamang binigyan ng morning show sa isang magbubukas na news channel ang taong inaakusahan niya ng sexual harassment.
Halata ang sama ng loob ng female TV reporter nang makausap ito ng Cabinet Files tungkol sa kanyang traumatic experience sa kamay ng male TV personality.
Ikinuwento ng female TV reporter na paulit-ulit hinawakan ng akusado, na sabi nitong lasing na lasing, ang kanyang puwet bago siya hinalikan.
Sinabihan pa siya ng akusadong huwag niyang ipahiya ang mga magulang dahil personal na magkakilala ang male TV personality at ang kanyang ama.
Read: Raffy Tulfo calls out TV5 for sexual harassment complaint
Matitibay ang mga ebidensiyang pinanghahawakan ng complainant dahil hindi sinasadyang nakunan ng cellphone video ang karahasang ginawa ng male TV personality.
Kinunan ng video ng isa sa mga dumalo sa pagtitipon ang kasayahang nagaganap.
Nahagip ng cellphone camera ang pambabastos ng male TV personality sa complainant kaya nagkaroon ng sapat na patunay para sampahan ito ng reklamo.