PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Korina Sanchez, papalit kay Karla Estrada bilang Face 2 Face host

Si Willie Revillame ang nagrekomenda kay Korina sa TV5, ayon sa source.
by Jojo Gabinete
Published Sep 1, 2024
Korina Sanchez to replace Karla Estrada in Face 2 Face
Si Willie Revillame ang nagrekomenda sa TV5 management para si Korina Sanchez ang kunin na kapalit ni Karla Estrada bilang host ng Face 2 Face, ayon sa source.
PHOTO/S: Instagram

Kung hindi magkakaroon ng pagbabago, mag-uumpisa sa Oktubre 2024 ang partisipasyon ni Korina Sanchez bilang host ng Face 2 Face, ang barangay hall on-air morning program ng TV5.

From K to K ang mangyayari dahil si Korina ang ipapalit kay Karla Estrada bilang host ng Face 2 Face.

Read: Karla Estrada out, Korina Sanchez in sa Face 2 Face?

Maugong ang balitang kakandidato si Karla para sa isang posisyon sa pamahalaan sa halalan na magaganap sa Mayo 2025 kaya kailangan na niyang magpaalam sa kanyang television show sa Kapatid Network.

Nakatakda ang paghahain ng mga kandidatura sa Commission on Elections mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 8, 2024, kaya malilimitahan na ang paglabas ni Karla sa telebisyon.

Isang mapagkakatiwalaang informant ang nagkuwento sa Cabinet Files na si Willie Revillame ang nagrekomenda sa TV5 management para si Korina ang kuning kapalit ni Karla bilang host ng Face 2 Face.

Korina Sanchez on signing co-production deal with ABS-CBN
Photo/s: ABS-CBN Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KORINA SANCHEZ AS A SEASONED BROADCASTER

Hindi umano naging mahirap para sa TV5 ang magdesisyon dahil napapanood sa Kapatid Network ang programa ni Korina, ang Rated Korina.

Walang kumontra o tumutol sa pagpili kay Korina dahil bukod sa perfect choice siya, tiyak na malaki ang kanyang maitutulong sa pagbabago at pag-unlad ng bagong kabanata ng Face 2 Face.

Hindi matatawaran ang kredibilidad at mga karanasan ni Korina bilang seasoned at award-winning television host.

Malawak din ang kanyang kaalaman sa lahat ng mga uri ng isyu, lalo na ang wisdom at karunungan niya na tiyak na malaking karagdagan sa mga payo na ibibigay ng Trio Taga-Payo ng programa, sina Dra. Camille Garcia, Atty. Lorna Kapunan at Bro.Jun Banaag.

Read: Carmi Martin reveals getting sexual advances during her prime

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Willie Revillame ang nagrekomenda sa TV5 management para si Korina Sanchez ang kunin na kapalit ni Karla Estrada bilang host ng Face 2 Face, ayon sa source.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results