Kinumpirma ng isang nakakaalam sa tunay na kuwento na hindi nag-uusap, hindi binabati ang isa’t isa, at ayaw magsama sa mga proyekto ang Vivamax actors na sina Benz Sangalang at Victor Relosa.
Inilahad ng Cabinet Files source na may silent feud sina Benz at Victor dahil sa "Vivamax King" title.
Read: Direk Roman Perez Jr., itinangging pinagsasabong sina Benz Sangalang at Victor Relosa
Diumano, nagkomento si Victor sa social media post ng isang direktor tungkol sa "Vivamax King" issue na nabasa ni Benz.
Si Benz ang kasalukuyang may hawak ng naturang titulo, at hindi siya natuwa sa reaksiyon ng kapwa niya Vivamax star.
Mula noon, hindi na nagpapansinan ang dalawa at may mga pagkakataong may nagaganap umanong parinigan sa social media sa pagitan nila.

VICTOR RELOSA ON "VIVAMAX KING" TITLE
Sa nakaraang media conference ng Paluwagan, kung saan isa sa mga bida si Victor, muling napag-usapan ang isyu tungkol sa "Vivamax King" title.
Makahulugan ang mga pahayag ni Victor tungkol sa usapin.
Hindi nagbanggit si Victor ng pangalan, pero mahahalata sa kanyang pananalita na may pinatatamaan siya sa kanyang mga binitiwang salita.
Diretsahang sabi ni Victor: “I think ang pinakamahalaga po, kapag ibinigay sa yo yung title na 'Vivamax King,' dapat i-take mo yung opportunity at responsibility na i-uplift yung iba. I think yun ang pinakamahalaga.
“Huwag mong ipaparamdam sa mga baguhang artista, sa maliliit na artista sa set, dahil wala naman maliit na artista, na hindi mo sila ka-level. Kasi, apparently, may mga taong ganoon.
“Nasa set, na kapag bago yung artista, first time nung artista, sasabihin niya, ‘Ay, pasensiya na, hindi kita ka-level or mag-practice ka pa muna or gumawa ka muna ng ibang pelikula.'”
Read: Victor Relosa na-weirduhan sa paggamit ng prosthetic sa pelikula

VICTOR RELOSA ON PLASTER INCIDENT
Para patunayan ang kanyang malasakit sa mga kasamahan niya sa trabaho, nagkuwento si Victor tungkol sa insidenteng nangyari sa shooting ng isang pelikula na maihahalintulad sa kontrobersiyal na “plaster experience” ni Ahron Villena.
Read: Did Ahron Villena take a swipe at director Joel Lamangan?
Lahad niya: “Ako po kasi, as much as possible, kapag ako po ang lead sa pelikula, sa project or basta cast ako, ipinagtatanggol ko po talaga.
“Meron nga po isang beses, naisyu ako kasi yung isang artista, first time niyang mag- love scene. Hindi siya marunong maglagay ng plaster, lalaki ito.
“So, ako ang naggupit ng plaster niya. Sabi ko sa kanya, 'Sige, ‘tol, pasok ka na sa CR, ganito mo ididikit.'
“Pumasok siya sa CR, ako nagse-cellphone, nag-aayos ng gamit. Nagulat ako may tumakbo papunta sa CR.
“Tapos ako, sinilip ko. Pagsilip ko, nagulat ako! Nakaluhod yung bakla, hawak yung ano niya [baguhang aktor], kasi inaayos yung plaster.”
Hindi nagustuhan ni Victor ang eksenang nasaksihan kaya kinausap niya ang production staff ng kanilang proyekto.
“Ang ginawa ko, tinawag ko yung mga tao sa production, ‘Tama po ba ito?’
“Kinol-out ko talaga kasi, para sa akin, mali yon. Although sabi nila, hindi naman daw nagreklamo yung artista.
"Sabi ko, 'Nagbigay ba ng permiso yung artista?' Siyempre, hindi niya alam yung rights niya.
"So, I think yun ang pinakamahalagang quality [ng isang Vivamax King], dapat protektahan mo yung ibang tao sa set, na hindi ginagawa apparently ng iba,” saad ni Victor, na tila may pinariringgan sa kanyang maaanghang na pahayag.
Read: Hubadero 2024 1Q Edition: Vivamax sexy actors deliver the goods