PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boobsie, nagulat sa natuklasang lihim niya ni Willie Revillame

Sino si Mystica Suarez?
by Jojo Gabinete
Published Sep 2, 2024
boobsie willie revillame wil to win
Wllie Revillame reveals on Wil To Win, Monday, September 2, 2024, about the past life of comedienne Boobsie Wonderland. Unknown to many, Boobsie was a former sexy star named Mystica Suarez (inset).
PHOTO/S: Wil To Win YouTube

Nagulat at pinagpawisan nang husto ang comedienne na si Boobsie Wonderland dahil hindi nito inakalang malalaman ni Willie Revillame ang kanyang nakaraang ibinaon na niya sa limot.

Nagrehistro sa mukha ni Boobsie ang pagkabigla nang marinig nito ang tanong sa kanya ni Willie sa live broadcast ng Wil To Win nitong Lunes ng hapon, Setyembre 2, 2024.

Read: Gladys Guevarra at Boobsie, ikinalungkot ang pagsasara ng Klownz at Zirkoh

Tanong ni Willie, “Meron lang ako itatanong, kilala mo ba si Mystica Suarez?”

Sagot ni Boobsie, “Bakit?”

Pagpapatuloy ni Willie, “Kasi, napag-alaman ko po na yung Mystica Suarez na yon, dati siyang sexy star.

"Wala siya sa Facebook, wala siya sa YouTube. Siguro hiyang-hiya talaga siya.

"Kasi si Mystica Suarez po, may nagbigay sa akin ng tip, 'Kilala mo ba kung sino ang nakakasama mo sa show? Willie, alamin mo muna kung sino ang mga yan.'

"'Bakit?' 'Si Mystica Suarez, sexy star yan, bold star yan, si Boobsie yan!’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gulat na gulat na reaksiyon ni Boobsie, “Kuya, sinong nagkuwento sa yo niyan? Ano ba naman yan!”

Read: Willie Revillame, nag-trending ulit dahil sa Family Feud viewer

boobsie willy revillame wil to win
Photo/s: Wil To Win Facebook

BOOBSIE REVEALS HER PAST AS A SEXY STAR

Usisa ni Willie, “Totoo ba yan? Sexy star ka dati?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos nito ay napilitan si Boobsie na aminin ang kanyang nakaraan.

Lahad niya: “Nung araw po kasi, Japayuki ako. Showgirl ako noong araw.

"Fourteen years old pa lang ako, nagdya-Japan na ako kaya mukha akong Haponesa. Nung naghirap ako, ganito na ang mukha ko!

“Ang totoo po niyan, starlet po ako noong araw. Kasama ko po sina Camille Roxas, Aya Medel, Ursula Vasquez...

"Ako po yung lumalaban sa mga exhibition show. Tuma-tumbling po ako sa ere, umi-split.

“Halimbawa, nakatayo ako sa speaker, tatalon ako na naka-split.”

mystica suarez
Mystica Suarez, who is now known as Boobsie Wonderland
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ganoon?" reaksiyon ni Willie.

“Oo, Kuya, kung nakilala lang sana kita noon, e, di maayos na sana ang buhay ko ngayon,” pabirong sabi ni Boobsie.

“Nagulat ako, hindi ko alam na sexy dancer ka pala dati,” ani Willie.

“Starlet po, not sexy dancer,” paglilinaw ni Boobsie.

"Ano ba yung starlet?" tanong ni Willie.

Paliwanag ni Boobsie: “Ako po yung reyna. Ako yung inaabangan ng manonood. Nakalagay sa labas [marquee], 'Our starlet for tonight... fantastic!’

“At saka iba po yung starlet nung araw. Inilalaban sa iba-ibang lugar. Taga-Bulacan po ako so inilaban ako sa Quezon City.

“Napagkamalan pa nga akong wardrobe nina Ursula Vasquez at Camille Roxas. Sabi nila, ‘Te, kuha mo nga ako ng tissue.’”

boobsie willy revillame wil to win
Photo/s: Wil To Win YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Boobsie, pilit nitong itinatago ang kanyang nakaraan kaya hindi siya makapaniwalag matutuklasan ni Willie ang nakaraan niya bilang sexy star.

Kuwento pa niya, “Alam mo ba, Kuya, noong nag-Dubai ako noong araw, may lumapit sa akin na babae, shala.

"Sabi niya, ‘Ikaw ba si Mystica Suarez, kasi kamukhang-kamukha mo yung best friend ko.’

“Boobsie na ako noon. Sabi ko, 'Sino ‘yon?’

“Siyempre yung mga nakaraan natin, kahit anong tago natin, lalabas at lalabas yon. Makikilala talaga tayo nung mga taong nakakakilala sa atin.

"Kaya nagulat talaga ako, Kuya, pati ba mga ganoong bagay, nalalaman mo pa? Pinakatagu-tago ko na nga…”

Read: Willie, itinangging hanggang December 2024 na lang ang Wil To Win

WILLIE ON BOOBSIE

Lalong pinagpawisan si Boobsie at halos mapaluha ito dahil sa mga sinabi ni Willie.

Saad ng TV host: “Gaganyan-ganyan po si Boobsie. Di ba, nag-GMA ako? Isinama ko siya, kasama niya sina [Super] Tekla, Hipon [Herlene Budol], saka si Donita [Nose].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siya yung laging nagte-text sa akin, 'Kuya, may dala ako sa yong pagkain.’

“Itong tao na ito, palagi kong napapagalitan, kasi starlet talaga ang dating. Salita nang salita, kung anu-ano ang mga sinasabi, pero mahal ko ito.

“Alam ninyo kung bakit? After ng Wil To Win, kakain siya sandali para samahan lang kami, samahan ako. Bigla siyang nagmamadaling umuwi.

“Bakit? Kakanta pa siya, magpe-perform pa siya sa Klownz, sa Hideout, kaya umuuwi ito, madaling-araw na.

“Ibig kong sabihin, yung hardworking na tao na to, yan siya. Sa harap ng kamera, nakikita ninyo siya na patawa nang patawa, tawa tayo nang tawa, napapagalitan ko.

"Pero ang totoong istorya ng buhay nito, pag-uwi niya, andoon sa Klownz, uuwi ng madaling-araw para sa kanyang mga mahal sa buhay, sa nanay niya, sa mga kapatid niya.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wllie Revillame reveals on Wil To Win, Monday, September 2, 2024, about the past life of comedienne Boobsie Wonderland. Unknown to many, Boobsie was a former sexy star named Mystica Suarez (inset).
PHOTO/S: Wil To Win YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results