Muling pinasalamatan ni Senator Raffy Tulfo si TV5 Chairman Manny V. Pangilinan dahil sa mabilis na aksyon nito tungkol reklamong pang-aabuso ng isang baguhang researcher ng News and Public Affairs ng Kapatid Network.
Personal na nagpadala ng sulat si Tulfo kay Pangilinan tungkol sa kaso ng news researcher.
At pagkatapos ng isinagawang imbestigasyon, napag-alamang may matibay na ebidensiya ang nagreklamo kung kaya't tinanggal na sa kanyang trabaho bilang program manager si Cliff Gingco.
Read: TV5 terminates program manager accused of sexual harassment
NEWS RESEARCHER'S COMPLAINT: the backstory
Nitong Lunes ng hapon, Setyembre 3, 2024, tinalakay ni Tulfo sa kanyang programang Wanted sa Radyo ang mga pangyayari kaya mabilis na nakamit ng biktima ang hustisya.
Saad ni Tulfo: “Ako po ay nagtrabaho din sa TV5 News, nakita ko lang yung mga lapses, so sumulat ako kay Chairman Manny V. Pangilinan at nagpasalamat.
“Kasi kung hindi tayo napasulat kay Chairman, baka natagalan ang aksyon sa kaso ng complainant.”
Isa-isang inilahad ni Tulfo ang mga kaganapan tungkol sa reklamo ng news researcher.
Read: Talent accuses TV5 program manager of sexual harassment
“Nang lumapit po sa amin yung talent na nagreklamo laban kay Cliff Gingco, dahil sa umano’y pagmomolestiya sa kanya sa isang hotel, dumaan po kami sa tinatawag na proseso.
“Pumunta po kami sa vice-president ng News, sa tanggapan po ni Miss Luchi Cruz- Valdes, at nung makausap namin yung pangalan ay Lea para iparating...
“Ang purpose namin ay para ipaalam yung reklamo and then ipatawag si Talent, ipatawag itong si Cliff, at imbestigahan etc.
“Ang nangyari sa halip, naghintay po kami ng ilang araw, binalikan po kami ni Lea at ang sinabi, ‘Magreklamo na lang. Sasagutin na lang yan ni Cliff.’"

Komento ni Tulfo: “Number one, yan, nakakainit ng ulo.
“Pangalawa, nabalitaan namin na si Cliff ay pagala-gala lamang diyan sa newsroom sa baba, pangisi-ngisi raw.
“Pangatlo, pinagtatawanan [ang biktima] pa raw allegedly ng mga kasamahan ni Cliff.
“Pang-apat, binigyan ng envelope [ang biktima] na may nakalagay na PHP5,000, parang suhol, kumapit ka lang.
“Panglima, tinanggal ng EP [ang news researcher].
“Pang-anim, si EP, tumakbo ng ibang bansa para makaiwas sa responsibilidad.
“Ang daming mga lapses kaya nagsalita na po ako rito sa Wanted sa Radyo na hindi ko na dapat gawin yon.
"Pero kapag hindi ko po ginawa yon, sasabihin, 'Palibhasa tagadiyan ka. Kasabwat ka sa cover-up,' and I don’t want that.”
Read: Raffy Tulfo calls out TV5 for sexual harassment complaint
CLIFF GINGCO'S ALLEGED CONNECTION
Ibinulgar ni Tulfo ang nalaman niyang hindi masuspinde si Cliff bilang program manager dahil sa koneksiyon nito umano sa isang opisyal ng TV5.
Pagsisiwalat niya: “Bakit itong si Cliff, hindi masusupinde? Malaman-laman ko, ito pala ay inaanak ng isang mataas na opisyal sa TV5.
“Kapag ano pala, tropa, hindi ninyo sususpendihin. Untouchable.
"E, hindi puwede yon. Kailangan patas ang pagpapa-implement sa patakaran, sa batas.
“Now, nasuspinde na si Cliff, sibak na po siya. At least, nandiyan yung hustisya na nakamit.
"At ang gusto ko pa pong sabihin sa inyo na na-appreciate ko itong si Chairman MVP ay yung kanyang commitment.
“Na lahat ng klaseng tulong, ibibigay niya sa talent, sa victim.
"Halimbawa sa pagpapa-therapy, kasi na-trauma yung bata, at kung ano pa yung mga kakailanganin nung talent.
"Bubuhos ng tulong ang TV5 dahil nakarating kay MVP.
“Kung hindi nakarating sa kanya, wala. Kung hindi nakarating sa atin, magkakaroon ng takipan.
"Maniwala ka sa hindi, itaga mo pa sa bato. Pinagtatawanan pa yung pobre."