PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PBB housemate Dylan Yturralde, matagal nang pangarap mag-artista

PBB housemate Dylan Yturralde, hypbrid artist.
by Jojo Gabinete
Published Sep 3, 2024
dylan yturralde pinoy big brother
Dylan Yturralde: “Hindi pa naman ako fully developed as an artista. I am open to learning. With the guidance of my managers, I think I will not only do good but I will do great."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Instagram

Ang 21-year-old volleyball player na si Dylan Yturralde ang isa sa popular housemates ng kasalukuyang Pinoy Big Brother: Gen 11.

Ang pagsali niya sa reality program ng ABS-CBN ang isang paraan para matupad ang kanyang pangarap maging artista.

Read: Pinoy Big Brother house gets flooded during typhoon Carina

Bago pumasok si Dylan sa PBB House, nagkaroon ng pagkakataon ang Cabinet Files na makausap siya, kung saan inilahad niya ang ilang impormasyon tungkol sa kanyang pagkatao.

Ayon kay Dylan, maaga siyang naging independent at may kinalaman dito ang husay niya sa paglalaro ng volleyball.

Lahad niya, “Twelve years old pa lang, nasa Manila na ako after I was recruited sa Palarong Pambansa.

"Na-addict ako sa chaos ng Manila. I love it here.”

dylan yturralde pbb
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DYLAN'S DREAM TO BECOME AN ARTISTA

Higit na tumindi ang kagustuhan ni Dylan na pumasok sa showbiz noong kasagsagan ng coronavirus pandemic dahil sa kawalan niya ng mga gagawin.

Aniya, “Noong pandemic, wala akong ginagawa. Pinanood ko kung paano maging artista sa Pilipinas.

“Noong bata pa ako, marami po ang nagsasabi na puwedeng artista. Nakaka-flatter.

"But there was a time na meron sa school, yung career day. Bata pa ako noon.

"Tapos sa dinner, tinanong ako ng parents ko, ‘Ano ba gusto mo paglaki mo anak? Doktor ba, dentista, abogado?’

“Siyempre, prangka ako. Pointblank, ang sabi ko sa mga magulang ko, gusto kong maging artista.

“Yung reaksiyon nila, ‘Ano!?? Marunong ka ba kumanta, marunong ka sumayaw? Marunong ka ba umarte?’

“E, hindi ako marunong kumanta. Lalong hindi ako marunong sumayaw hanggang ngayon.

“Parang the kid in me, nasaktan ako, pero hindi ako ipinakita.

"Kaya ang feeling ko, yung phase ng buhay ko, nasa perfect timing talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nag-start siya nung pandemic kasi nag-stop lahat. Nawala yung volleyball, nagkaroon ng options, nagkaroon ng opportunities.”

Read: Bianca Gonzalez, Robi Domingo visit PBB house amid ongoing demolition

HYBRID ARTIST

Ang VP Global Athlete and Artist Talent Management Philippines nina Dondon Monteverde at Charlie Dy ang namamahala sa sport at showbiz career ni Dylan.

Hindi makapaniwala si Dylan na matutupad ang ambisyon niyang maging artista sa edad na 21.

“Parang, 'Wow, artista ka na!' Parang naiisip ko, 'Ako ba talaga ito?'

"Panaginip lang. Pero naniniwala ako na there’s more to come.

“Ready ako, of course. Ang tagal kong pinangarap ito. Hindi puwedeng hindi ako ready.

"Pero along the way, we learn siyempre.

“Hindi pa naman ako fully developed as an artista. I am open to learning.

"With the guidance of my managers, I think I will not only do good but I will do great.

“Ang tawag ko nga sa sarili ko, hybrid. Kumbaga sa sasakyan, gas saka electric. Ako, athlete saka artist.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ikinuwento ni Dylan na masaya ang pamilya nito dahil artista na siya. Marami raw siyang pangarap para sa mga magulang niya.

Saad niya, “Masaya sila ngayon para sa akin, but there’s more goals.

"Ako, gusto kong bigyan ng negosyo ang tatay ko. Gusto ko siyang bigyan ng pagkakakitaan.

“Bilang Kapampangan, we’re known for being confident and mayabang.

"I treat myself as mayabang, gusto ko kasi may sarili siyang negosyo. Gusto kong mag-give back."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dylan Yturralde: “Hindi pa naman ako fully developed as an artista. I am open to learning. With the guidance of my managers, I think I will not only do good but I will do great."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results