PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelica Yulo, nag-live selling ng "branded" T-shirt

Ina ni Carlos Yulo, tuloy sa pagnenegosyo.
by Jojo Gabinete
Published Sep 3, 2024
angelica yulo karl eldrew yulo live selling
Angelica Yulo and son Karl Eldrew sell "branded" T-shirts during the live selling on Facebook on September 3, 2024.
PHOTO/S: Screen grab from Angelica Yulo's Facebook

Umani ng 7.2 likes at 7.7K comments ang Facebook live online selling ni Angelica Yulo ngayong Martes ng hapon, Setyembre 3, 2024, kaya masasabing tagumpay ang kanyang halos tatlong oras na pagbebenta ng skin care products at T-shirts.

Si Angelica ang kontrobersiyal na ina ng two-time Paris Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Read: Angelica Yulo Facebook posts, pasaring kay Carlos Yulo?

Kasama ni Angelica sa live online selling ang kanyang anak na si Karl Andrew Yulo, na isa ring artistic gymnast.

angelica yulo live selling
Photo/s: Angelica Poquiz Yulo Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinuri ng netizens na nanood ng live selling ang pagiging madiskarteng ina ni Angelica at nangako silang susuportahan ang mga negosyo nito.

May presyong PPH250 ang skin care products na ibinebenta ni Angelica, at nagkakahalaga naman ng PHP500 ang "branded" T-shirts na ipinagbibili niya.

Gucci, Chanel, Versace, Balenciaga, at Loewe shirts — na napaghihinalaang counterfeit products dahil sa napakamurang halaga — ang iniaalok ni Angelica sa kanyang live online selling.

Takaw-kontrobersiya ang for sale "branded" T-shirts ni Angelica dahil sa isyu ng trademark infringement kaya dapat maging maingat siya sa mga produktong ipinagbibili niya, lalo pa’t Olympic medalist ang kanyang anak.

Read: Carlos Yulo's mother Angelica offers tearful apology to son

NETIZENS, OFWS SUPPORT ANGELICA YULO

Bukod sa pagsabak sa online selling, nagtitinda rin si Angelica ng longganisa.

Ilan lamang ito sa paraan ng pagpapakitang hindi umaasa ang kanilang pamilya sa mga premyo at regalong natanggap ni Carlos, na isa nang certified multi-millionaire dahil sa tagumpay niya sa Paris Olympics

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Inside Carlos Yulo's PHP32-million condo unit

Mula sa 12,000 followers nang unang manalo si Carlos ng gold medal sa Paris Olympics noong Agosto 3, 2024, meron nang 56K followers sa kasalukuyan ang official Facebook page ni Angelica.

May OFW followers din si Angelica. Ito ang mga kababayan natin sa Hong Kong, Dubai, at iba’t ibang panig ng mundo na nangakong patuloy na susuportahan ang kanyang mga negosyo.

Read: Carlos Yulo's gymnastics journey, family, love: A timeline

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Yulo and son Karl Eldrew sell "branded" T-shirts during the live selling on Facebook on September 3, 2024.
PHOTO/S: Screen grab from Angelica Yulo's Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results