PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktres na produkto ng talent search, buntis

Aktres, may katigasan umano ang ulo.
by Jojo Gabinete
Published Sep 4, 2024
blind item actress pregnant
PHOTO/S: Canva

Isang biyaya ang pagbubuntis at pagkakaroon ng anak, pero walang katiyakan kung kailan aaminin ng isang aktres na malapit na itong maging ina.

Produkto ng talent search program ang aktres na pansamantalang mauudlot ang maraming pangarap para sa sarili at sa pamilya niya dahil sa kanyang kalagayan sa kasalukuyan.

Read: Female TV reporter, maghahain ng reklamong sexual harassment sa male TV personality

Natuklasan ang lihim ng aktres nang tumanggi itong gamitin ang damit na ipinasusuot sa kanya sa isang TV guesting.

Ang pagtanggi ng aktres ang naging mitsa para malaman ang sikreto niya — na imposibleng hindi mabulgar kapag nawala siya sa sirkulasyon para isilang ang sanggol na kanyang dinadala.

NOT SURPRISING

Hindi ikinagulat ng mga kasamahan ng aktres ang balitang buntis ito dahil likas na ang katigasan ng ulo niya noong nag-uumpisa pa lamang ang kanyang showbiz career.

“Hindi siya nakikinig. Matigas ang ulo niya,” reaksiyon ng dating co-star ng aktres sa isang TV program nang makarating sa kanya ang balitang buntis ang female showbiz personality na natupad ang ambisyong makapasok sa showbiz nang sumali sa talent search show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Aktres, iniwan ang TV program para sa pagtakbong mayor sa 2025?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results