Ang world-class Filipino pole vaulter na si EJ Obiena ang bisita sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules ng hapon, Setyembre 4, 2024.
Mainit ang pagtanggap sa kanya ng mga empleyado ng GMA Network dahil dinumog at pinagkaguluhan siya.
Read: EJ Obiena finishes fourth in Paris Olympics men's pole vault
Kasama ni EJ sa studio ng Fast Talk With Boy Abunda ang kanyang ina na si Jeanette, lola na si Gedy, tiya, at kapatid — na sumasalamin sa pagiging mapagmahal niya sa pamilya.

Sinabi ni Lola Gedy sa Cabinet Files na mabait na bata at tunay na makapamilya ang kanyang unang apo.
“First apo ko siya kaya special siya sa akin,” sabi ni Lola Gedy sa Cabinet Files.
Ikinuwento rin ni Lola Gedy na sa murang edad ay alam na raw ni EJ ang konsepto ng pamilya.
“Three years old pa lang siya, alam na ang kahalagahan ng pamilya. Iniwan siya sa akin for a day ng kanyang parents dahil may pinuntahan sila.
“Sinabi sa akin ni EJ na, 'Ganoon ba ang mag-asawa kapag nagkaroon ng anak, iniiwan nila?” natatawang kuwento ng lola ni EJ.
Read: EJ Obiena, nasungkit ang unang gold medal ng Pilipinas sa 2023 Asian Games

EJ ON BEING POGI AND HIS GIRLFRIEND
Sa panayam ni Boy Abunda kay EJ, binanggit ng pole vaulter ang isang funny anecdote nang itanong kung marami na ang nagsasabing pogi siya dahil marami ang napopogian sa kanya.
"Medyo marami," nahihiya at napangiting sagot ni EJ.
“Hindi ako nasanay. I don’t even know how to feel. It’s a bit odd.
“May kaklase ako before, sabi niya, ‘Yung parents mo, they don’t look... hindi naman pangit, bakit ang pangit mo?' Like, it’s weird for me to be honest po.”
Para kay EJ, ang kanyang German athlete girlfriend na si Caroline Joyeux ang pinakaseksing babae.

Kinumpirma ni EJ na darating si Caroline sa Pilipinas sa Huwebes, Setyembre 5, para sa ilang araw na pamamalagi sa ating bansa.
Pero itinanggi niyang may magaganap na proposal.
Read: Get to know Caroline Joyeux, EJ Obiena's athlete girlfriend
“Wala po. I think we’re still young and we’re figuring things out,” paglilinaw ni EJ.
But you started to talk seriously?
“I think we’re very serious naman po. It’s a very serious relationship.
"She’s really amazing and she makes me wanna be a better person,” sagot ni EJ.
Pinaunlakan din ni EJ ang hiling ni Boy na isayaw nila ang viral dance na "Maybe This Time," kahit nahihiya siya.