PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alice Guo, mistulang artista matapos maaresto sa Indonesia

Alice Guo gets celebrity treatment following arrest in Indonesia.
by Jojo Gabinete
Published Sep 5, 2024
alice guo peace sign
Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo displays a happy disposition after her arrest in Indonesia, granting selfies with ordinary people and government officials from Indonesia and the Philippines.
PHOTO/S: Screen grab from X

Malaking balita sa Indonesia ang pagkakadakip kay Alice Guo dahil headline ito ng mga pangunahing news outlets sa naturang bansa.

Sa Indonesia nadakip ang fugitive at dismissed mayor ng Bamban, Tarlac, noong September 4, 2024, Miyerkules, o 18 araw matapos niyang tumakas sa Pilipinas.

Read: Buhay ni Mayor Alice Guo, puwedeng isapelikula?

alice guo indonesia news
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mistulang international celebrity ang turing sa kanya ng Indonesian Police, na mga nagpakuha pa ng selfie photo kasama siya, bago ipina-deport si Guo sa Pilipinas.

Inaasahan ang pagdating ni Guo sa Pilipinas bago maghatinggabi ngayong Huwebes, Setyembre 5, isang araw matapos siyang madakip sa Tangerang City, Indonesia.

Ayon sa hepe ng International Relations Division ng Indonesian National Police na si Krishna Murti, sinusuportahan ng Indonesia ang pamahalaan ng Pilipinas kaya ipina-deport nila ang kontrobersiyal na dating mayor ng Bamban na nahaharap sa patung-patong na kaso rito.

“We are fully supporting the Philippine government. She will be deported,” pahayag ni Murti sa Jakarta Globe.

ALICE GUO TREATED AS A CELEBRITY BY AUTHORITIES AND PUBLIC

Parang artista na dinumog si Guo sa Jakarta dahil sa atensiyong ibinigay sa kanya ng Indonesian media at ang pagpapaunlak niya sa lahat ng humiling ng selfie photo na kasama siya.

Maaaliwalas ang hitsura at nakangiti si Guo habang nagpapakuha ng litrato kaya walang mag-aakalang may pinagdaraanan at pagdaraanan siyang mabibigat na kaso sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
alice guo selfie

Sinundo si Guo sa Jakarta ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. at ni Philippine National Police (PNP) Chief Rommel Francisco Marbil.

Sa isang larawang kasama niya sina Abalos at Marbil, parang nasa meet-and-greet lamang si Guo na “pa-cute “ sa matamis na pagkakangiti nito habang naka-peace sign ang kanyang mga daliri.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
alice guo benhur abalos
Alice Guo (center) with DILG Secretary Benhur Abalos (left) and PNP Chief Rommel Francisco Marbil (right).
Photo/s: National Bureau of Investigation

Nakunan din ng video ang pagkindat ni Guo nang makita nitong nakatutok sa kanya ang kamera ng GMA News.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pinky Amador, kopyang-kopya ang linya ni Alice Guo sa AKNP

HAPPY DISPOSITION

Sa ulat ni John Consulta mula sa Jakarta, kinumpirma niyang tila masaya ang dating mayor pero lumuha naman ito nang humarap sa Indonesian media.

Ayon kay Consulta, hindi lamang ang mga opisyales ng Indonesian Police ang nagpakuha ng selfie photo kay Guo dahil nagpalitrato rin ang mga opisyal ng Philippine government na sumundo sa Jakarta sa dismissed mayor.

“Medyo nagulat din tayo sa kanyang actuation na ine-expect natin sa umpisa na medyo magiging mailap siya, pero kabaligtaran dahil naging very receptive siya,” ulat ni Consulta sa 24 Oras, ang primetime news program ng GMA-7.

“Ngumingiti, at certain points, tinatanggal niya yung kanyang mask para makipag-picture nga sa mga gustong magpa-picture sa kanya.

“Nag-umpisa ito nung may mga Indonesian authority na lumapit sa kanya at nagpaalam tapos nauwi na sa mga picture-picture.

“Hanggang sa meron na rin ilan sa ating mga opisyal sa Pilipinas naman ang sa tuwa nila dahil nakuha na nga finally si Mayor Alice Guo, nagpa-picture din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At sa ating pakikipag-usap kay Mayor Alice Guo, talagang she’s putting up a happy front.

"Pero kanina, nakita ko medyo napaluha siya.

“Lalo na nang makaharap niya ang Indonesian media at yung Philippine media, nasa likuran.

"Nakita ko medyo nagpunas siya ng kanyang mata at, I’m sure, ramdam niya yung malaking pagbabago sa buhay niya na mangyayari sa oras na makabalik na siya diyan sa Pilipinas.”

Palihim na tumakas si Guo sa Pilipinas noong Hulyo 2024 para makaiwas sa patung-patong na kaso — ang paratang na espiya siya ng China at ang koneksiyon niya sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Bamban na sangkot sa mga krimen tulad ng scam at human trafficking.

Paulit-ulit itong pinabulaanan ni Guo nang mag-imbestiga ang senado.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo displays a happy disposition after her arrest in Indonesia, granting selfies with ordinary people and government officials from Indonesia and the Philippines.
PHOTO/S: Screen grab from X
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results