PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame, nagbabala laban sa mga scammer sa Wil To Win

Willie, nahuli ang isang female contestant na sumali ulit sa Wil To Win.
by Jojo Gabinete
Published Sep 8, 2024
willie revillame wil to win
Willie Revillame: “Marami ho talaga ang walanghiya diyan sa labas ng studio. Niloloko kayo kaya kawawa kayo. Nagpapasok ho ng mga tao dito [sa studio]. Kapag nananalo, kinukuha ang pera, kaya huwag kayong papayag na dadagdagan ang [grupo] ninyo.”
PHOTO/S: Wil To Win YouTube

May mahigpit na paalaala si Willie Revillame sa publiko na nagsasadya sa TV5 studio sa Novaliches, Quezon City, para manood ng Wil To Win at sumali sa game segments ng kanyang programa.

Babala niya: Mag-ingat sa mga scammer na nag-aabang ng bibiktimahin sa labas ng TV5 studio.

Read: Willie Revillame, nag-trending ulit dahil sa Family Feud viewer

Mismong si Willie ang nakatuklas sa krimeng ginagawa ng scammers nang mamukhaan niya ang isang babaeng minsan nang sumali at nanalo sa "Cookie to Win" segment ng Wil To Win at gusto uling lumahok sa palaro.

“Huy, nanood ka na dati, ah. Naglaro na ito dati, nanalo na. Umamin ka sa akin,” sabi ni Willie sa female studio audience.

Umamin ang female studio audience na sumali na siya at dati nang nagwagi sa "Cookie to Win."

Pero jacket lamang daw at hindi PHP2,000 na napanalunan niya ang ibinigay ng taong nag-recruit sa kanya sa labas ng TV5 studio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilahad ng babae na hindi niya kilala ang taong lumapit sa kanya at pinagsuot ng Wil To Win T-shirt para makapasok siya sa loob ng studio at makalahok sa game segment ng programa ni Willie.

Read: Willie, itinangging hanggang December 2024 na lang ang Wil To Win

willie revillame wil to win
Photo/s: Wil To Win YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

WILLIE REVILLAME WARNS STUDIO AUDIENCE AND VIEWERS

Dismayadong sabi ni Willie: “Yan ang sinasabi ko. So, hinugot siya. Ibig sabihin, kinuha lang siya sa labas.

“Marami ho talaga ang walanghiya diyan sa labas ng studio. Niloloko kayo kaya kawawa kayo.

"Nagpapasok ho ng mga tao dito [sa studio]. Kapag nananalo, kinukuha ang pera, kaya huwag kayong papayag na dadagdagan ang [grupo] ninyo.”

Dagag pa ng TV host, “Hindi ninyo ako puwedeng dayain dahil nakikita ko, natatandaan ko.”

Hindi ito ang unang pagkakataong natuklasan ni Willie na may scammers na bumibiktima sa mga inosenteng tao na nagsasadya sa studio ng kanyang programa.

Noong napapanood pa si Willie sa Wowowin ng GMA-7, siya rin ang nakadiskubre sa scammers na niloloko at pinagkakakitaan ng pera ang mga pumipila sa harap ng Studio 6 ng Kapuso Network.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame: “Marami ho talaga ang walanghiya diyan sa labas ng studio. Niloloko kayo kaya kawawa kayo. Nagpapasok ho ng mga tao dito [sa studio]. Kapag nananalo, kinukuha ang pera, kaya huwag kayong papayag na dadagdagan ang [grupo] ninyo.”
PHOTO/S: Wil To Win YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results