Ipinagbibili na ni Angelica Yulo ang bahay nila sa Imus, Cavite, na naipundar niya noong 2016.
May karapatan siyang ibenta ang ari-arian dahil nakapangalan ito sa kanya.
Read: Angelica Yulo, nag-live selling ng "branded" T-shirt
Inanunsiyo ng ina ni Carlos Yulo sa Facebook page nito na fully furnished ang bahay na may sukat na 50 square-meter lot area at 100 square-meter floor area.
Kasama sa ibinebentang bahay ang 55-inch television, refrigerator, isang split-type aircon, isang window-type aircon, at bonus na motor accessories at spare parts na nagkakahalaga ng PHP300,000.
Hindi binanggit ni Angelica kung kabilang sa mga ipinagbibili ang mga larawan at tropeyo ng kanyang estranged son.
MONEY ISSUE
Naging sentro ng kontrobersiya ang bahay dahil ito ang isa sa mga itinuturong dahilan ng hidwaan ni Angelica at ni Carlos, na dalawang beses nanalo ng medalyang ginto sa Paris Olympics noong Agosto 2024.
Bago nagdesisyon si Angelica na huwag nang magsalita tungkol sa away nila ng kanyang anak, nagpaunlak siya ng panayam sa ABS-CBN News, isang buwan na ang nakalilipas.
Read: Carlos Yulo's mother speaks up about "mukhang pera" accusations
Sa naturang interbyu, ipinagtanggol ni Angelica ang sarili laban sa paratang ni Carlos na "magnanakaw" siya.
Kuwento niya: “May pumasok sa Landbank account niya [Carlos] na yun ang hawak ko na ATM na puwede kong ma-withdraw.
“Na yun naman ang ginamit ko na ipang-fully pay sa bahay na na-acquire ko noong 2016 sa Cavite kaya hindi nakapangalan sa kanya yon.
“Sa akin nakapangalan kasi kaming dalawang mag-asawa ang nag-acquire 2016, since during that time, wala pa naman siyang big amount of money.
“Sabi ko, i-fully paid na kasi sayang yung malaking interest. Finully paid ko siya so kinuha ko siya [pambayad] sa Landbank account niya [Carlos].
“Nabanggit din naman ng ate niya na, 'Magbabayad si Mama.' Ipu-fully paid niya yung bahay.
“Sa kanya yon na pera. Yun yong ginamit ko na pang-fully paid.
"Ginamit kong pang-renovation para kapag uuwi siya, kasi ayaw na niyang umuwi dito [Manila], kasi hindi nga raw siya safe.
“So, ayaw na niyang umuwi dito.
"So, ang sabi ko is pagandahin yung bahay sa Cavite para sana maging kumportable siya. Matutulog dun, makakapag-relax, makakanood ng TV and all.
"Kaya kinumpleto ko ng gamit yung bahay namin sa Cavite kasi nga nilu-look forward din namin na makita niya yung bahay na ipinagawa doon.
“And for sure, nakikita niya, kasi every now and then, nagse-send ng video yung tatay niya.”
Ngunit kung nagagalit sa ina at masama ang loob ng anak, maaaring ang isyu ay ginamit ni Angelica ang pera ni Carlos nang walang paalam at pahintulot.
Ito ay hindi klinaro ng ina.
Read: Carlos Yulo breaks silence on money issue with his mother
Ang inilabas ni Angelica ay hindi niya nilustay ang pera ni Carlos at anumang oras daw na gustuhin nito, puwedeng-puwedeng ang champion gymnast ang magbenta ng bahay nila sa Cavite.
“Actually, siya. Sinabi niya yon in front of my face na ninakaw ko yung pera," himutok ni Angelica.
“Hindi ko nilustay yung pera niya. Hindi ko ninakaw yung pera niya.
"Ayan, puwede niyang ibenta kung gusto niya. Ibalik lang niya yung dinown namin saka yung binayad namin since 2016 up to 2019.”
Samantala, isang malapit sa pamilya Yulo naman ang nagsabing makadurog-puso ang kuwento tungkol sa plano ng ama ni Carlos na Mark Andrew Yulo na ibenta ang motorsiklong ibinigay sa kanya ng anak.
Diumano, iniisip ni Mark Andrew na ipagbili ang motorsiklo para maibalik niya ang pera kay Carlos.
Wala namang anumang balita na hinihingi ni Carlos na ibalik sa kanya ng ama ang kanyang iniregalong motor.
Tuloy, nag-iisip ang iba na ginagatungan ng mga magulang ang isyu para makakuha pa ng simpatiya sa laban nila sa anak na ngayon ay milyonaryo na.
CARLOS YULO TRIBUTE IN ASAP
Nitong Linggo ng tanghali, Setyembre 8, 2024, binigyan ng tribute ng ASAP Natin To si Carlos Yulo.
Engrande ang mainit na pagsalubong kay Carlos sa Sunday musical-variety show ng ABS-CBN, pero mukhang ang hidwaan sa pamilya ay matindi pa rin dahil hindi kasama sa kanyang mga pinasalamatan ang pamilya niya.