Sa kabila ng pangakong magbabayad siya ng utang sa isang singer-actress bago matapos ang buwan ng Agosto 2024, hindi tinupad ng gay comedian ang salitang binitiwan kaya tuluyan nang nagalit sa kanya ang mga nakikisimpatiya sa biktima niya.
Hindi na nagpursigi ang singer-actress mabawi ang malaking halaga ng perang inutang sa kanya ng gay comedian dahil tinanggap na niya ang katotohanang hindi na talaga siya mababayaran.
Hindi lamang ang singer-actress ang niloko ng gay comedian kaya certified scammer na siya sa paningin ng ibang mga taong sinira niya ang tiwala.
Read: Singer-actress, napuno na sa gay comedian na di pa bayad sa utang
GAY COMEDIAN CLAIMS HIS SOCIAL MEDIA ACCOUNT WAS HACKED
May kuwento pa ang singer-comedian na na-hack ang social media account nito kaya pinag-iingat niya ang mga taong nanghihingi ng pera, gamit ang kanyang pangalan.
Pero hindi na pinaniniwalaan ang mga drama at alibi ng gay comedian, kahit ipinapakita niya ang screenshot ng tsekeng nagkakahalaga ng halos isang milyong piso na kanyang ipapa-encash umano sa bangko.
Maraming beses nang nasangkot ang gay comedian sa mga anomalyang malaki ang epekto sa kanyang showbiz career dahil wala nang may gustong kunin ang serbisyo niya.
May dapat ipagpasalamat ang gay comedian dahil hindi maingay o eskandalosa ang mabait at mapagtiwala na singer-actress na hiniraman niya ng pera at pinaaasa sa pangakong napako na magbabayad siya sa lalong madaling panahon.
May mga umaasang darating ang araw na magsasalita ang singer-actress at magbabanggit ito ng pangalan para mabigyan ng babala ang publiko at ang ibang mga showbiz personality na future victims ng singer-comedian.
Naniniwala rin silang kapag lumutang ang balita tungkol sa mga pagkakautang ng gay comedian, baka ito ang maging dahilan para lumantad ang ibang mga personalidad na hiniraman niya ng pera pero hindi rin binayaran.
Read: Aktres, dinala sa korte ang paghingi ng sustento sa dating asawa