PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dismissed TV5 program manager, pinadalhan na ng subpoena ng NBI

Nagreklamong news researcher, umuwi na sa probinsya.
by Jojo Gabinete
Published Sep 12, 2024
tv5 news researcher

Ipinadala na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang subpoena para kay dating TV5 News and Public Affairs production manager Cliff Gingco noong Miyerkules ng umaga, Setyembre 11, 2024.

Si Gingco ng akusado sa reklamong sexual harassment na inihain ng 22-year-old TV5 news researcher na natanggal na rin sa trabaho.

Read: Talent accuses TV5 program manager of sexual harassment

Nakasaad sa subpoena na kailangang magsadya ni Gingco sa tanggapan ng NBI sa Setyembre 23, 2024 para sa kanyang sagot tungkol sa mabigat na paratang ng biktima.

Samantala, umuwi na ng probinsiya ang nagreklamo ng pang-aabuso at nakahanap na siya ng bagong trabaho.

COMPLAINANT URGED TO FILE OBSTRUCTION OF JUSTICE COMPLAINT

May mga nag-uudyok sa biktima na maghain ng reklamong obstruction of justice laban sa mga taong pinigilan ang pagsasalita niya tungkol sa karahasan na kanyang naranasan, pero hindi pa siya nakapagdedesisyon.

Nangyari ang diumano’y pang-aabuso ni Gingco sa complainant sa isang hotel sa Pasig City noong Hulyo 23, 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hiningi ng complainant ang tulong ni Senator Raffy Tulfo para mapansin ang binabalewalang reklamo niya.

Read: Complainant, may mga ebidensiya laban sa TV5 program manager

tv5 talent raffy tulfo
Photo/s: Screen grab from Raffy Tulfo In Action YouTube

Dahil sa panayam ni Tulfo sa complainant sa kanyang programang Wanted Sa Radyo noong Agosto 9, nagkaroon ng pag-asa ang biktima na makakamit nito ang hustisya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpadala ng sulat si Tulfo kay TV5 Chairman Manny V. Pangilinan.

Agad na umaksyon si Pangilinan at ipinag-utos na tanggalin sa serbisyo ang akusado matapos magsagawa ng imbestigasyon ang pamunuan ng Kapatid Network.

Sinabi ni Tulfo na lumitaw sa imbestigasyon na may matibay na ebidensya ang reklamo laban kay Gingco, na nananatiling tahimik tungkol sa maselang kaso na kinasasangkutan niya.

Ayon kay Tulfo, nangako rin si Pangilinan na bibigyan ng buong suporta ang biktima, tulad ng medical assistance sa therapy at ibang mga kailangan na tulong.

Read: TV5 terminates program manager accused of sexual harassment

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results