PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sam Verzosa, hindi itinanggi ang magarbong pamumuhay

Sam Verzosa, tatakbo sa Maynila sa 2025 elections?
by Jojo Gabinete
Published Sep 13, 2024
sam verzosa birthday
Sam Verzosa on being a billionaire: “I am just grateful. Hindi ko naman pinapapunta sa ulo ko. Ang nasa utak ko lang, kailangan i-share ko ito sa mas marami."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Ipinagdiwang ni Tutok To Win Party-List Representative at Dear SV public service show host Sam Verzosa ang kanyang kaarawan kahapon, Setyembre 12, 2024.

Isang pagtitipon na dinaluhan ng pamilya at malalapit na kaibigan niya ang ginanap sa Maserati car showroom sa Edsa, Greenhills, San Juan City, kagabi.

Sa panayam kay Sam, inisa-isa niya ang mga biyayang natanggap mula sa Panginoong Diyos na naging mabuti raw sa kanya kaya hindi siya nakalilimot sa pagpapasalamat.

Read: Sam Verzosa, mamahaling de-lata ang ipinamimigay sa mahihirap

Pahayag ng businessman-politician, “Naging congressman ako tapos ngayon, nakakapagsilbi pa ako sa buong Pilipinas.

"Nagpunta na ako sa iba’t ibang bansa, nagbukas ng iba’t ibang negosyo.

"Nagkaroon ng mga ganitong klaseng international companies [Maserati] so wala na akong mahihiling pa."

sam verzosa birthday
Sam Verzosa (center) with some of the guests at his birthday party, including girlfriend Rhian Ramos (fourth from left), GMA-7 executive Atty. Annette Gozon-Valdes (fourth from right), Sparkle head Joy Marcelo (third from right), and actress Ashley Ortega (second from right).
Photo/s: Jojo Gabinete
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-alinlangan naman si Sam na sagutin ang tanong ng Cabinet Files tungkol sa pakiramdam ng isang bilyonaryong katulad niya.

Aniya" “More than twenty years na po tayong nasa negosyo. Sabi ko nga, nakapunta na ako sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

“I am just grateful. Hindi ko naman pinapapunta sa ulo ko. Ang nasa utak ko lang, kailangan i-share ko ito sa mas marami.

“To whom is much given much is expected so talagang ibinibigay ko yan, una, sa pamilya ko, sa mga kamag-anak, sa mga humihingi ng tulong, sa mga kapitbahay, hanggang sa mga kasama sa kompanya, hanggang mapunta sa iba’t ibang mga nangangailangan sa ospital, simbahan, lahat ng charities halos sa Pilipinas, naging partner na namin. Hanggang sa charities sa animals.”

Read: Sam Verzosa discloses sign he's waiting for to marry Rhian Ramos

WILL SAM RUN IN MANILA IN 2025?

Walang itinanggi o kinumpirma si Sam tungkol sa kumakalat na balitang kakandidato siya para sa isang mataas na posisyon sa pamahalaan ng Maynila sa eleksyon sa Mayo 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang tanungin namn tungkol sa pagkakaroon niya ng magarbong pamumuhay, hindi ito itinanggi ni Sam.

Sagot niya, “Siyempre, galing naman talaga ako sa wala. Kapag galing ka sa wala, uunahin mo yung mga pangarap mo.

“I became a millionaire when I was 21 years old. Siyempre, yung mga una kong pangangailangan, kotse, damit, yung mga pangarap natin na mga materyal na bagay.

“Inuna ko yon hanggang ma-provide ko sa family ko, sa mga magulang ko, sa mga kapatid ko.

"Dumaan tayo sa kabataan, medyo maaga akong naging successful so in-enjoy ko rin.

“Pero after awhile, kapag nakuha mo na lahat ng mga materyal na bagay sa mundo, na-experience mo na yung travel and everything na nabibili ng pera, sometimes naghahanap ka pa.

"At nakuha ko ang fulfillment na yan sa pagbibigay ko ng tulong, nabago ko ang buhay ng iba’t ibang tao.

"Nakita yung mga ngiti sa mukha nila, sa mga yakap nila.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Sam Verzosa defends mentor Willie Revillame: “Wala na siyang kailangang i-prove pa.”

Paano siya umiiwas sa mga taong inaabuso ang pagkakawanggawa niya?

Sagot ni Sam, “Iniisip ko, meron naman tayong sariling judgment at nakikita naman lahat ng nasa Itaas.

"Basta tayo, walang ginagawang masama,walang tinatapakan.

“Sabi ko nga, may sarili tayong utak. Hindi tayo ilalagay sa lugar na ito kung hindi tayo nakakapag-isip kung sino yung mga tunay na makakasama at kung sino yung hindi.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sam Verzosa on being a billionaire: “I am just grateful. Hindi ko naman pinapapunta sa ulo ko. Ang nasa utak ko lang, kailangan i-share ko ito sa mas marami."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results