Ang social media posts ni Ken Chan noong Huwebes, Setyembre 12, 2024, ang tila pahiwatig ng aktor na walang dapat ipag-alala ang pamilya niya, mga kaibigan, at tagasuporta.
Ito ay sa gitna ng mga nakababahalang kumakalat na balita tungkol sa kanya na diumano’y may kinalaman sa usapin ng pananalapi.
Read: Aktor na tinigok sa drama series, tumakas sa pagkaaresto?
“Have a great date ahead everyone!” caption ni Ken sa selfie post nito sa kanyang Facebook.
“Imaginary friends” naman ang mga salitang mababasa sa Instagram post niya tungkol sa larawan ng panda bear stuffed toy at Troll doll, na tanging siya ang nakakaalam sa mensahe na nais iparating sa mga kinauukulan.
Read: Ken Chan dismisses possible romance with 'Abot Kamay Na Pangarap' co-star Jillian Ward
View this post on Instagram
KEN CHAN INACTIVE
Matagal na hindi naging aktibo sa social media si Ken, hindi na siya napapanood sa All Out Sundays at nawala na ang karakter niya sa Abot-Kamay na Pangarap kaya sari-sari ang mga espekulasyon tungkol sa kanyang biglaan na pamamahinga.
May mga haka-hakang nasa isang bansa sa East Asia si Ken, pero walang kumpirmasyon dahil walang inilalabas na opisyal na pahayag ang panig niya.
Pero makahulugan ang mga encouraging message ng mga nakakakilala at nagmamalasakit sa kanya tulad ng mga sumusunod:
"God will never leave and forsake you…laban lang Ken."
“Hihintayin ka namin and we’ll never leave your side. We’ll wait for your comeback."
Indikasyon itong may mga pagsubok na pinagdaraanan ang 31-year-old actor.

Bago ang kanyang social media post noong Huwebes, unang binasag ni Ken ang pananahimik sa pamamagitan ng isang social media post noong Setyembre 5, 2024.
Nagbabala siya sa publiko na huwag magpalinlang sa mga manloloko na gumagamit sa Telegram account niya para makapanghingi ng pera mula sa mga potensyal na biktima.
Read: Ken Chan, nagparamdam pagkatapos ng ilang linggong pananahimik
Buong-buo ang suporta kay Ken ng kanyang ina na si Veronica na ni-repost sa sariling social media account ang panawagan ng anak niya.
Sumasagot si Ken sa mga mensahe ni Veronica sa social media dahil makikita at mababasa ang pagpapalitan nila ng “I love you,” na tila pahiwatig ng matinding pangungulila nila sa isa’t-isa.