Malungkot ang production staff ng isang TV show dahil malapit nang magpaalam ang kanilang programang naging bahagi ng buhay nila sa loob ng mahigit isang dekada.
Ipalalabas na lamang ang nalalabing advanced taped episodes ng programa bago ito tuluyang mamaalam sa himpapawid.
Ibinahagi ng production staff ang nararamdamang kalungkutan sa pamamagitan ng kanilang sad face emoji posts sa mga social media page nila.
Read: Aktres na produkto ng talent search, buntis
Normal lamang ang kalungkutang nararamdaman ng mga sangkot sa TV show dahil napamahal na ito sa kanila, pati na ang mga artistang bida ng programa.
Inaasahang magbabahagi rin ng saloobin ang mga artista ng magsasarang television show kapag nagbigay na ng opisyal na pahayag ang management ng TV network na nagtiwala sa kanilang mga kakayahan.
Nakilala sa naturang programa ang dalawang showbiz personality kaya imposibleng hindi nila dinaramdam ang malungkot na balita, lalupa’t mawawalan sila ng regular show sa telebisyon.
Napakalaki ng naging tulong ng programa sa dalawang showbiz personality dahil sa malawak na exposure at talent fee na kanilang tinatamasa.
Read: Aktres, dinala sa korte ang paghingi ng sustento sa dating asawa