Bumait at nadagdagan ang mabubuting katangian niya nang dahil kay Rhian Ramos.
Ito ang sagot ng businessman at Tutok To Win party-list representative na si Sam Verzosa nang tanungin siya ng Cabinet Files tungkol sa mga pagbabago sa kanyang buhay mula nang mag-umpisa ang kanilang relasyon, tatlong taon na ang nakararaan.
Read: Rhian Ramos, Sam Verzosa celebrate third anniversary in Batangas
“Bumait ako lalo. Marami tayong good habits na nadagdag sa buhay ntiin, natanggal yung ibang bad habits.
"And lalo akong na-inspire to become the best, best, best person of myself dahil sa kanya," sabi ni Sam nang makapanayam ito ng mga miyembro ng entertainment press nang magdiwang siya ng kaarawan noong Huwebes, Setyembre 12, 2024.
Katabi ni Sam si Rhian nang maganap ang interbyu.
Isang halik na punumpuno ng pagmamahal ang iginawad ni Sam sa kanyang girlfriend matapos niyang magsalita.

RHIAN ON SHARING HER THOUGHTS WITH SAM
There’s too many to mention. Meron naman, but it’s hard for me to say,” pahayag ni Rhian nang ito naman ang tinanong tungkol sa mga pagbabagong nangyari sa kanyang buhay at ugali mula nang makilala niya si Sam.
Parang natunaw naman ang puso ni Rhian nang malaman niya ang sinabi ni Sam na ligtas at mapayapa ang pakiramdam nito sa tuwing umuuwi sa kanya.
“Aahh… aahhh… that’s so sweet,” reaksiyon ni Rhian.
“But siyempre, that’s my goal naman. I think that’s our goal for each other na parang we can tell each other everything without feeling any fear.
“Na parang we can share however we feel, 'What happened to you today or whatever your thoughts, even if they’re dark thoughts,' but we’re just people.
“So I just want him to know that he doesn’t always have to be the best person if I am with him. If he’s the worst person of himself, it’s okay and it’s safe.”
Read: Rhian Ramos not in a rush to settle down with Sam Verzosa
Bakit click sila sa isa’t isa?
“Personality!” mabilis na sagot ni Rhian.
“Until this very day, kahit three years na kami, it just feel like it’s always exciting. I am learning something new about him every day.
“He’s my best friend. We just get along really well.
"Para bang even the boring parts of life, which is like doing chores, cooking a meal or going to supermarket, for us, it’s always exciting.”
IS RHIAN READY TO BE THE "FIRST LADY" OF MANILA?
Usap-usapang may plano si Sam na kumandidatong alkalde ng Maynila sa halalan sa Mayo 2025, pero walang kumpirmasyon o pagtanggi mula sa kanya kaya nananatiling haka-haka lamang ang mga balita.
Pero may sagot si Rhian sa "hypothetical question" kung handa na ba siyang maging first lady ng Manila.
Nakangiting sabi ni Rhian, “You know what, I’ve been asked this before... I don’t know.
“It’s not naman the future I envisioned for myself.
"I didn’t think that I would be here thinking of being a first lady of anything, but wala naman akong choice.
“I would do anything for Sam.
"I think not only because I believe him and his purpose, I feel like his intentions are really pure.”