PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

EJ Obiena, unang sinadya ang security guard nang dumalaw sa UST

Ina ni EJ Obiena, proud sa pagiging "humble at grounded" ng pole vaulter.
by Jojo Gabinete
Published Sep 16, 2024
ej obiena elmver vea
World-class pole vaulter EJ Obiena recently visited University of Santo Tomas, where he took up Electronics Engineering. One of the first things he did was to look for security guard Elmer Vea (right photo), who took care of him while he was injured during his college days.
PHOTO/S: University of Santo Tomas Facebook

Ang security guard na si Elmer Vea ang unang hinanap ng world-class Filipino vaulter na si EJ Obiena sa homecoming visit nito sa University of Sto. Tomas (UST), sa España, Manila, noong Huwebes, Setyembre 12, 2024.

Nakadestino si Vea sa Roque Ruaño Building ng unibersidad na dating pinapasukan ni Obiena bilang Electronics Engineering student.

Read: EJ Obiena apologizes for falling short of Paris Olympics medal

Maligayang-maligaya at hindi makapaniwala si Vea na si EJ ang gumawa ng paraan para magkita sila, ayon sa kuwento ng ina ng Olympian na si Mrs. Jeanette Obiena sa Cabinet Files.

ej obiena elmer vea
EJ Obiena with security guard Elmer Vea at the Emgineering building of UST.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa si Mrs. Obiena sa mga kasama ng pole vault star nang bumisita ito sa sa UST.

“Nagpunta kami sa homecoming ng UST, ang unang hinanap niya ang security guard.

"Yung guard sa engineering building which took care of him nung injured siya," kuwento ni Mrs. Obiena sa ekslusibong pakikipag-usap sa kanya ng Cabinet Files.

“Nagulat ang guard, ang akala niya, hindi siya makikilala dahil wala siyang suot na hat tapos bald na siya.

“Nagulat yung guard nung makita si EJ kaya masayang-masaya siya.

“At talagang bago mag-exit, dumaan si EJ at binisita niya ang teachers niya, mga professor. Napaka-proud ko sa kanya,” ang lahad ni Mrs. Obiena.

Read: EJ Obiena, hindi pa handang mag-propose kay Caroline Joyeux

ej obiena
Photo/s: University of Santo Tomas Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

EJ OBIENA'S CLEAN IMAGE

Naniniwala si Mrs. Obiena na ang kababaang-loob ni EJ ang isa sa mga dahilan kaya malinis at maganda ang imahe ng kanyang anak sa paningin ng publiko.

“He’s so himself. Siya mismo. Wala siyang cover, as in siya mismo.

"Yung kung ano ang nararamdaman niya, he tells everybody. He’s humble at grounded," pagmamalaki ni Mrs. Obiena sa anak.

Hindi man pinalad si EJ na makakuha ng medalya sa Paris Olympics, nakuha niya ang atensiyon, paghanga, at respeto ng mga Pilipino na binansagan siyang "Boyfriend ng Bayan" at "Internet’s Boyfriend" dahil sa magagandang katangiang taglay tulad ng pagmamahal at paggalang sa kanyang pamilya.

Ikinuwento ni Mrs. Obiena na dahil mas matagal ang pamamalagi ni EJ sa ibang bansa, palagi silang kasama ng kanyang anak sa lahat ng mga lakad nito sa tuwing umuuwi sa Pilipinas.

Hindi lamang ang ina, ama, at kapatid ni EJ ang bitbit nito sa mga meet-and-greet, television guesting, at ibang mga okasyon dahil isinasama rin niya ang kanyang lola at tiya na isang patunay ng mahigpit na pagkakabuklod ng kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ej obiena mother grandmother fast talk
EJ Obiena with his mother Jeanette and grandmother Gedy at Fast Tlk With Boy Abunda studio.
Photo/s: Jojo Gabinete
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
World-class pole vaulter EJ Obiena recently visited University of Santo Tomas, where he took up Electronics Engineering. One of the first things he did was to look for security guard Elmer Vea (right photo), who took care of him while he was injured during his college days.
PHOTO/S: University of Santo Tomas Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results