Hanggang Oktubre 2024 na lamang mapapanood ang Sarap, ‘Di Ba, ang cooking talk show ng GMA Network na umeere tuwing Sabado ng umaga.
Mga host ng Sarap, ‘Di Ba? si Carmina Villarroel at ang kambal na anak niyang sina Mavy at Cassy Legaspi.
Read: TV show, magpapaalam na sa ere pagkatapos ng mahigit isang dekada
Noong nakaraang linggo, sinabihan na ang production staff at crew tungkol sa nalalapit na pagwawakas ng programa. Ikinalungkot ito ng lahat ng may kinalamn sa produksiyon dahil 12 taon na naging bahagi ng buhay nila ang Sarap, ‘Di Ba?.
Mapapanood hanggang Oktubre 2024 ang nabanggit na TV show dahil sa mga taped episode na matagal nang nakunan.
FROM SARAP DIVA TO SARAP, 'DI BA?
Sarap Diva ang orihinal na pamagat ng Sarap, ‘Di Ba, kung saan si Regine Velasquez ang host ng programa na unang napanood sa telebisyon noong Oktubre 6, 2012.
Si Regine ang host ng Sarap Diva mula 2012 hanggang 2018.

Si Carmina ang ipinalit sa kanya nang lumipat at pumirma ang Asia's Songbird sa ABS-CBN noong Oktubre 17, 2018.
Read: Carmina Villarroel says replacing Regine Velasquez in GMA-7 show is a non-issue
Mula sa Sarap Diva, ginawang Sarap, ‘Di Ba ang titulo ng programa dahil si Carmina na ang bagong host.
Isinama rin sa Sarap, ‘Di Ba sina Mavy at Cassy kaya ang naturang TV show ang naging daan sa pagpasok ng magkapatid sa entertainment industry.
Hindi pa pormal na inaanunsiyo ng GMA-7 ang pagtatapos ng Sarap, ‘Di Ba?, pero may mga espekulasyong isang variety program ng Kapuso Network ang ipalit sa araw at timeslot na mababakante ng magpapaalam na morning cooking talk show ni Carmina at ng kanyang mga anak.