PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gabby, nag-leave of absence para sa US-Canada tour nila ni Sharon

Gabby Concepcion, hindi ia-avail ang senior citizen's card.
by Jojo Gabinete
Published Sep 17, 2024
gabby concepcion sharon cuneta dear heart
Gabby Concepcion on North America leg of his concert with ex-wife Sharon Cuneta: “Iiksian nila yung songs saka hindi na siya two hours. Parang nakakapagod yung two hours sa lahat, maski sa audience. Baka antukin, e, uuwi pa sila, magmamaneho pa."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / File

Nagpapasalamat si Gabby Concepcion sa GMA-7 management dahil pinayagan siyang ipagpaliban muna ang taping ng bagong teleserye na pagbibidahan niy.

Ito ay para bigyang-daan ang U.S. at Canada tour ng Dear Heart, ang eight-city concert nila ng kanyang ex-wife na si Sharon Cuneta.

Read: Sharon Cuneta and Gabby Concepcion get asked: Mahal niyo pa ba ang isa't isa?

“Meron kaming teleserye na gagawin with GMA-7. Humingi ako ng leave of absence because kailangan namin i-stretch para ma-fulfill o ma-fill in yung time for the concert.

“Okay din naman ang GMA, they understand. Gagawin na lang namin ang teleserye pagbalik sa January 2025, unless ma-extend na naman ang concert.

"Hinihintay ko nga kung may Valentine show para matuloy na," pahayag ni Gabby sa panayam sa kanya ng Cabinet Files nitong Martes ng hapon, Setyembre 17, 2024.

U.S. AND CANADA TOUR WITH SHARON

Sinabi ni Gabby na may pagkakaiba ang U.S. concert tour nila ni Sharon kumpara sa kanilang mga nakasanayang pagtatanghal sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iiksian nila yung songs saka hindi na siya two hours," boluntaryong kuwento ni Gabby.

“Parang nakakapagod yung two hours sa lahat, maski sa audience. Baka antukin, e, uuwi pa sila, magmamaneho pa.

“Saka may timetable nga kung minsan yung mga venue doon. Kapag lumampas ka ng one minute, ang laki ng charge nila.

“So, para matulungan natin yung mga producer, lets’s finish on time.”

Sa Harrah’s Resort, Funner, California ang kick- off ng Dear Heart concert nina Gabby at Sharon sa Oktubre 26, 2024.

Susundan ito ng show nila sa Saban Theatre, Beverly Hills, California sa Oktubre 27; The Meeting House sa Oakville, Canada, sa Nobyembre 2; at sa The Venue Thunder Valley Casino Resort sa Lincoln, Canada, sa November 15.

Magtatanghal din sina Gabby at Sharon sa Las Vegas at Hawaii.

Read: Sharon Cuneta-Gabby Concepcion fans willing gumastos ng up to PHP25K para sa Dear Heart VIP Night

dear heart us canada tour
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IF GABBY WERE NOT AN ACTOR...

Nang pansinin ng Cabinet Files na malaki na ang improvement ng kanyang singing voice, napangiti at nagpasalamat si Gabby.

Paliwanag niya, “Gusto ko naman ng music pero hindi ako nag-umpisa as a singer. Although gusto ko naman ng music, hindi nga lang ito ang linya ko talaga.

“Ang showbiz, hindi ko rin linya. Ang linya ko talaga, piloto, pero color blind ako.

"So, sabi ng daddy ko, ‘Nandiyan ka na lang din, galingan mo na.'"

Kung hindi siya naging artista, ano siya ngayon?

Ayon kay Gabby, “Puwede akong dentista.

"Nagampanan ko naman yung isa, out of three. Naging real estate broker ako sa Amerika.

"Tatlo lang talaga yung gusto kong mangyari sa buhay ko—flying, dentistry, at real estate."

Malaki ang utang na loob na tinatanaw ni Gabby mula sa showiz dahil naging mabuti ito sa kanya.

“Yes. I am very grateful also," sambit niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Wala akong pagsisisi because, for me, kahit na ano ang mangyari sa buhay natin, in general, is a challenge.

"Whether you become successful in it or not, try and try again until you succeed. And yon, na-experience ko.

"Don’t give up because the day you give up is the day you lose kaya hindi pa ako tapos."

Read: Is Gabby Concepcion not happy with Sharon Cuneta’s IG post about him?

GABBY TURNS 60 ON NOVEMBER 5

Muling napangiti si Gabby nang itanong ang kanyang saloobin tungkol sa 60th birthday niya sa November 5, 2024.

“Ganoon ba? Tulad ng nabanggit ko, every year yan, I used to count my birthdays.

"Starting last year, when I was 33 yata or 32, hindi na ako nagbibilang. Wala, e, it’s just a number," pabirong sabi ni Gabby.

Pero, diumano, hindi dinidibdib ng aktor ang kanyang nalalapit na pagtuntong sa edad na 60.

“Hindi ko dinidibdib," pakli ni Gabby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Basta kapag nasa beach ako, yung mga panahon na dinadala ako ng father ko, basta nasa sand na ako, nakikita ko na yung alon, balik ako sa 14 years old.”

May balak ba siyang i-avail ang senior citizen card kapag 60 years old na siya?

“Wala,” reaksiyon ni Gabby.

Paliwanag niya, bilang isang color blind, may PWD card na siya.

“I am PWD. Same benefits. I don’t need a senior citizen card.

"Puwede yon siguro in the next ten or fifteen years, di ba?”

Read: Gabby Concepcion masaya na nagkaayos ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion sa Dear Heart concert

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gabby Concepcion on North America leg of his concert with ex-wife Sharon Cuneta: “Iiksian nila yung songs saka hindi na siya two hours. Parang nakakapagod yung two hours sa lahat, maski sa audience. Baka antukin, e, uuwi pa sila, magmamaneho pa."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results