Bago matapos ang 2024, magiging ganap na ina ang aktres na produko ng isang talent search program.
Pero hindi pa niya ipinagtatapat sa publiko ang tunay na kalagayan.
Read: Aktor, babalik na sa pag-arte matapos niya itong talikuran noon
Nasa wastong edad na ang early 20’s na aktres para magkaroon ng anak kaya wala siyang dapat ipangamba.
Pero marami ang nanghihinayang sa kanyang maagang pagbubuntis dahil malayo pa ang mararating niya sa entertainment industry.
Marami na ang nakakaalam na buntis ang aktres, pero tikom ang kanilang mga bibig dahil alam nilang wala sila sa posisyon para pangunahan siya sa pagsisiwalat sa katotohanan.
PENDING DRAMA SERIES
Isa ang aktres sa mga pangunahing bida sa television drama series na walang katiyakan kung kailan mapalalabas dahil sa sitwasyon niya.
Maaaring magkaroon ng pagbabago sa daloy ng kuwento ng teleserye dahil sa hindi inaasahang pagbubuntis ng aktres na magiging nanay na rin tulad ng kanyang mga nakatatandang co- star.
Alam na ng mga namamahala sa entertainment career ng aktres na buntis ito at nakatakdang magsilang ng sanggol dalawang buwan mula ngayon pero tahimik pa rin sila.
Read: Aktor na tinigok sa drama series, tumakas sa pagkaaresto?