PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ricardo Cepeda, hindi makapaniwalang malaya na

Estafa case laban kay Ricardo cepeda, ibinasura ng Aparri court.
by Jojo Gabinete
Published Sep 19, 2024
ricardo cepeda release
After more than one year, actor Ricardo Cepeda is finally out of jail after posting bail. Upon his release from Cagayan Provincial Jail in Tuguegarao, he was welcomed by longtime partrner Marina Benipayo and his legal counsel Atty. Jayson Calagui.
PHOTO/S: Courtesy of Ricardo Cepeda / Facebook

“I’m still in disbelief that I am outside.”

Ito ang pahayag ng aktor na si Ricardo Cepeda sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files ngayong Huwebes ng umaga, Setyembre 19, 2024.

Nakalaya na si Ricardo mula sa halos isang taong pagkakakulong matapos siyang pinayagansiya ng Branch 12 ng Sanchez Mira Regional Trial Court, Cagayan, para magpiyansa.

Samantala, ibinasura naman ng Branch 6 ng Aparri Regional Trial Court noong Agosto 8 ang estafa case na isinampa laban sa kanya.

Read: Ricardo Cepeda released after posting bail for estafa case

RICHARD CEPEDA'S ORDEAL

Unang nakulong si Ricardo sa Camp Karingal, Quezon City, noong Oktubre 7, 2023 dahil idinawit siya sa kasong syndicated estafa na inihain ng mga investor ng isang kompanya.

Ito ay kahit brand ambassador lamang ng kompanya ang aktor.

Noong Nobyembre 2023, inilipat si Ricardo sa Cagayan Provincial Jail sa Tuguegarao dahil nakasampa ang reklamo sa mga korte ng Aparri at Sanchez Mira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ricardo Cepeda speaks up about syndicated estafa case: “Hindi ko alam na sinama nila ako.”

RICHARD CEPEDA GRATEFUL TO THOSE WHO SHOULDERED HIS BAIL

Lubos ang pasasalamat ni Ricardo sa lahat ng mga tumulong para malikom ang malaking halaga ng piyansa para sa kalayaan niya, at nangunguna ang Panginoong Diyos sa kanyang pinasalamatan.

“Every day akong nagdarasal at nagpapasalamat sa Diyos,” sabi ni Ricardo.

Naniniwala ang aktor na may purpose o layunin ang Diyos para sa kanya kaya dumanas siya sa matitinding pagsubok.

Ang longtime partner ni Ricardo, ang model at aktres na si Marina Benipayo, ang sumundo sa kanya nang lumabas siya mula sa kulungan noong Miyerkules ng gabi.

ricardo cepeda release paper
Ricardo Cepeda (center) with longtime partner Marina Benipayo (right) and his legal counsel Atty. Jayson Calagui.
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Ricardo, “Marina came here to bring more funds and papers needed for my bail."

Ano ang unang kinain niya nang makalaya na siya?

“First thing I ate was Ilokano adobo and kalderetang kambing at my attorney’s house. His name is Atty. Jayson Calagui,” sagot ni Ricardo.

Sabik na sabik nang makabalik ang aktor sa Metro Manila at makita ang kanyang mga mahal sa buhay at mga kaibigan.

Gustung-gusto na rin niyang muling magtrabaho dahil kailangan niyang makabawi mula sa halos isang taong pagkakabilanggo na resulta ng diumano’y mga maling akusasyon.

Dahil may mga inaayos pa si Ricardo na mga legal na dokumento na may kinalaman sa mga kaso, inaasahang makababalik siya sa Metro Manila bago matapos ang linggong ito.

Read: Ricardo Cepeda remains hopeful amid delays in hearing of syndicated estafa case

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After more than one year, actor Ricardo Cepeda is finally out of jail after posting bail. Upon his release from Cagayan Provincial Jail in Tuguegarao, he was welcomed by longtime partrner Marina Benipayo and his legal counsel Atty. Jayson Calagui.
PHOTO/S: Courtesy of Ricardo Cepeda / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results