College student si Gabby Concepcion nang malaman nitong color blind siya.
Ikinalungkot niya ito dahil hindi na matutupad ang kanyang masidhing pangarap na makapagpalipad ng eroplano.
Ang color blindness ng 59-year-old actor ang dahilan kaya nabigyan siya ng Person With Disability (PWD) card at may 20 percent discount privileges sa pagbili ng gamot, panonood ng sine, at pagkain sa mga restaurant.
Read: Gabby, nag-leave of absence para sa US-Canada tour nila ni Sharon
Ang color blindness ay hindi isang uri ng pagkabulag dahil kakulangan lamang ito ng paraan ng pagtingin sa mga kulay.
Nahihirapan ang mga taong color blind na matukoy ang ilang mga kulay, tulad ng asul at dilaw o pula at berde.
Ang color blindness ay isang kundisyong namamana at mas nakakaapekto sa mga kalalakihan kesa sa mga kababaihan.
Sa pahayag ng Prevent Blindness website, tinatayang may walong porsiyento ng mga kalalakihan ang may problema sa color vision.
Ang red-green color deficiency ang karaniwang uri ng color blindness na kagaya ng sitwasyon ni Gabby.
Read: Gabby Concepcion ribs Sharon Cuneta: "Concepcion nung araw ito, e."
GABBY ON HOW HE DISCOVERED THAT HE IS COLOR BLIND
Sa panayam ng Cabinet Files kay Gabby, inilahad nito ang araw na nalaman niyang color blind siya na naghatid sa kanya noon ng pagkadismaya.
Kuwento niya: “Nalaman ko ito nung college days, first or second year sa college. That was when nag-enroll ako sa flying school.
“Dun nagkaroon ng test sa color blindness. Pinahiwalay sa akin yung yarn na iba-iba ang kulay.
“Pinagsama-sama ko yung mga green at brown, blues, violet at purple dahil para sa akin, similar ang mga kulay na yan.
“Binigyan nila ako ng test. Makikita ninyo yan if you go to Google, test for color blindness.
“Yung nakikita ninyo na dots, let’s say seven, dahil nakikita ninyo yung red at green colors.
"Ako, ang nakikita ko, twelve, because it’s designed for red and green color blindness.
“So immediately, alam na ng mga doktor na yon ang aking deficiency.”
Read: Gabby Concepcion, ayaw na sa pulitika pagkatapos ng nabigong mayoralty bid noon sa San Juan City
Ayon kay Gabby, labis na nagdulot sa kanya ng frustration ang kondisyon niyang ito.
“Yes, frustrated ako kasi hindi ako makalipad. So ngayon, nag-e-enjoy ako kapag nasa eroplano.
“Yung mga long flight, okay lang sa akin.
"Ang frustration ko lang, hindi ako puwedeng maging piloto," sabi ni Gabby.
Kalaunan ay tinanggap ni Gabby ang katotohanang hindi natupad ang pangarap niyang makapagpalipad ng eroplano dahil may ibang plano ang Panginoong Diyos para sa kanya.