Ang paghinto niya sa pagpapaseksi sa pelikula ang ibinalita ni Christine Bermas sa media conference ng Salsa ni L, ang huling proyekto niya sa Vivamax bilang sexy actress.

“Makaka-graduate na ako. Yes po, last ko na po,” ang pahayag ni Christine tungkol sa huling sexy project na pinagbibidahan niya na may “double meaning” at titillating title.
Sinabi ni Christine sa naganap na media conference nitong Sabado, Setyembre 21, 2024, na may permiso ng mga executive ng Viva Entertainment ang kanyang desisyon na tumigil sa paghuhubad at huwag nang gumawa ng mga sex scene sa mga susunod na proyekto niya.

Hindi nababahala si Christine na baka mabawasan ang mga tagahanga niyang kalalakihan dahil sa kanyang katuwiran na “Kung yung mga tao na sumuporta sa akin before, sinu-support nila ako sa pagpapaseksi ko, why not kung tumawid ako mula sa pagpapaseksi?
“Kasi sumikat din naman before yung mga beterano na actress na nag-start din sa pagpapaseksi but now, nakilala sila. Nailabas talaga nila yung acting skills nila. Parang natapos ko na rin, I had fun, like fifteen movies sa Vivamax.
“Hindi naman sa napagod ako but then, gusto kong makilala nila ako na kaya ko rin ibigay ang acting talent ko. Gusto kong makita nila na hindi lang ako sa pagpapaseksi. Gusto ko na makita nila ang acting ability ko.”
Read:
- Christine Bermas, inaming may nawala sa kanya nang magka-boyfriend
- Christine Bermas reveals being cheated on by Nico Locco
CHRISTINE, NAGULAT SA 'REVELATION' NI BOOBSIE
Isa si Christine sa mga co-host ng Wil To Win ng TV5 at sa live telecast ng programa noong Setyembre 2, 2024, isiniwalat ni Willie Revillame na dating sexy star ang comedienne na si Boobsie Wonderland.

Co-host din si Boobsie ng Wil To Win at kitang-kita sa mukha ni Christine ang pagkagulat nang malaman nito na dating sexy star ang comedienne na Mystica Suarez ang ginamit na screen name noong dekada ’90.
“Gulat na gulat po talaga ako kasi hindi ko po alam yung life ni Mama Boobsie before,” ang lahad ni Christine.
“Ang akala, nagbabata-bataan lang siya but then, nung nalaman ko na iyon ang dating life niya, sobrang laki ng respeto ko sa kanya.
“Nagulat lang talaga ako dahil hindi ko ine-expect na ganoon ang naging buhay niya noon,” ang pahayag ni Christine na may rason para magulat dahil nalaman niya na mas matindi ang mga ginagawa ni Boobsie noong sexy star pa ito kesa sa kanyang mga mapupusok na eksena sa mga pelikula ni Vivamax.
Incidentally, nagamit ni Christine ang husay nito sa pagsasayaw sa mga salsa dance scene nila ng kanyang leading man na si Sean de Guzman na likas na magaling sumayaw. Lovely ang pangalan ng karakter ni Christine kaya Salsa ni L ang pamagat ng kanyang huling sexy movie project.
Read: