PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Direk Bobby Bonifacio Jr. clueless sa tampuhan ng Vivamax Kings

Direk Bobby defines what makes a Vivamax King/Queen
by Jojo Gabinete
Published Sep 22, 2024
Benz Sangalang
Direk Bobby Bonifacio Jr.
Victor Relosa
Direk Bobby Bonifacio, Jr. (gitna) clueless daw na may tampo sa kanya ang isa sa mga nabansagang "Vivamax Kings" na si Benz Sangalang (kaliwa). Ayon sa bali-balita, may tampo daw si Benz dahil nakisawsaw si Direk Bobby sa issue at mas pabor siyang ibigay ang "Vivamax King" title kay Victor Relosa (kanan).

Nakarating sa direktor na si Bobby Bonifacio, Jr. ang balitang may tampo sa kanya si Benz Sangalang dahil sa paratang na nakisali siya sa isyu tungkol sa Vivamax actor na karapat-dapat na tawaging Vivamax King.

Direk Bobby Bonifacio Jr.
Direk Bobby Bonifacio, Jr.
Photo/s: Bobby Bonifacio Jr. official Facebook page

Si Benz ang binansagan na Vivamax King pero diumano, kontra si Bobby dahil mas pinapaboran nito na ibigay kay Victor Relosa ang kontrobersyal na titulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Victor Relosa
Victor Relosa

At dahil sa isyu, malabo umano na magkaroon ng proyekto sina Benz, Victor at Bobby na magkakasama.

Benz Sangalang
Benz Sangalang
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Si Bobby ang direktor ng Kiskisan, ang bagong pelikulang mapapanood sa Vivamax at pagtataka ang nagrehistro sa kanyang mukha nang tanungin tungkol sa napapabalita na tampo ni Benz.

“Hindi ko alam kung may tampo siya sa akin. Hindi ko po alam. Baka meron kung hindi kami nag-uusap pero hindi ko alam kung bakit,” ang reaksyon ni Bobby nang makausap ito ng entertainment press sa media conference ng Kiskisan.

“Puwede kaming mag-usap siguro kung ano po ang tampo niya sa akin. Baka may alam kayo, sabihin natin dito,” ang nagtataka pa ring pahayag ni Bobby na may sariling pamantayan tungkol sa mga katangian na dapat na taglay ng isang Vivamax King.

Read:

DIREK BOBBY DEFINES VIVAMAX KING/QUEEN TITLES

“Siguro, visibility kasi usually ang king at queen naman, dine-define.

“Parang if ang mga palabas mo blockbuster, marami ang fans mo. Bibilangin mo kung ilan ang nilabasan na pelikula ng isang tao, ilan ang fans niya, ilan ang sumusubaybay and how much money ang nadadala niya sa studio.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Then, I guess, matatawag siya na hari o reyna sa panahon na ‘yon,” ang paliwanag ni Bobby na ibinigay na halimbawa si Angeli Khang.

“Like si Angeli Khang na Vivamax Queen kasi sunud-sunod natin siyang napanood sa mga pelikula. Kahit sino ang mga taxi driver na tanungin ko na nanonood ng Vivamax, Angeli Khang ang sinasabi.

“Yun po ang sa tingin ko na qualities ng isang Vivamax King or Queen.”

DIREK BOBBY GRATEFUL, PROUD FOR STEADY STREAM OF VIVAMAX PROJECTS

Isa si Bobby sa mga direktor na hindi nawawalan ng mga proyekto sa Vivamax kaya ikinagagalak niya na bahagi siya ng tagumpay ng original Filipino streaming platform na meron nang labingdalawang milyon na subscribers.

“Proud naman ako na maging Vivamax director, lalo na nakatrabaho ko na a lot of actors,” ani Bobby.

“Kumbaga, on my end, parang namayagpag din ang career ko sa Vivamax, sunud-sunod din and continuously nakakagawa ako ng mga proyekto at mga kuwento na hindi ko magagawa sa ibang mga studio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Thankful ako sa Vivamax for that. Overall, I am very proud to be one of the Vivamax directors,” ang may pagmamalaki na sabi ni Bobby na tatlo ang bagong proyekto na ginagawa para sa Vivamax kaya hindi siya nababakante at hindi nawawalan ng mga pinagkakaabalahan.

Read:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Bobby Bonifacio, Jr. (gitna) clueless daw na may tampo sa kanya ang isa sa mga nabansagang "Vivamax Kings" na si Benz Sangalang (kaliwa). Ayon sa bali-balita, may tampo daw si Benz dahil nakisawsaw si Direk Bobby sa issue at mas pabor siyang ibigay ang "Vivamax King" title kay Victor Relosa (kanan).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results