Ibang Ramos ang kasama ni Tutok To Win Party-List Representative at Dear SV host Sam Verzosa nang bumisita ito sa Smokey Mountain, Tondo, noong Linggo, Setyembre 22, 2024.
Ang aktor na si Wendell Ramos at hindi ang girlfriend niyang si Rhian Ramos ang bahagi ng kanyang entourage nang mamahagi sila roon ng tulong.
Ang akala ng karamihan, sinusuportahan lamang ni Wendell ang plano ni Sam na kumandidato bilang mayor ng Maynila sa halalan sa Mayo 2025.
Read: Sam Verzosa, kumpirmadong tatakbo bilang Manila mayor
Pero nang umakyat si Wendell sa entablado, ipinakilala siya ni Sam bilang "konsehal" ng District IV ng Maynila.
Tila ito ang kumpirmasyong kakandidato rin ang aktor sa eleksyon sa susunod na taon.

Nang bigyan ni Sam si Wendell ng pagkakataong magsalita, sinabi niya, “Maraming salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataon na maging parte ng pamimigay ng mga pangangailangan ng mga tao.
“Hindi lang dahil sa District IV, gusto ko rin magpasalamat dahil meron tayong bagong show, yung Shining Inheritance.”
Ang tinutukoy ni Wendell ay ang bagong afternoon drama series ng GMA-7 kung saan kabilang siya sa cast.
Read: Wendell Ramos, di pa iniiwanan ang pagiging volunteer firefighter
IS WENDELL REALLY RUNNING FOR MANILA COUNCILOR?
Pero nang makausap si Wendell ng Cabinet Files, hindi niya direktang inaming tatakbo siyang konsehal ng District 4 ng Maynila.
Iginiit din ni Wendell na lehitimo siyang residente ng Maynila kaya namataan siyang nagsimba noong Linggo sa San Loreto Church, Sampaloc, Maynila, na nasasakupan ng District IV.
View this post on Instagram
Saad niya: “Ang reason ko lang naman is to extend my charitable works kasi, even before, hindi naman ako show off. Alam yan ng mga taga-Maynila.
“Yun kasi ang palaki sa akin ng nanay ko, matuto kang magbigay kung meron ka. So, ngayon, until now, at my age, 46 years old na ako, I still have my shows.
“So, hindi ba pupuwedeng ako naman ang magbigay ng dahilan para ma-extend ako ng tulong sa mga tao?
“Hindi lang ang pagsuporta kay SV ang pagpunta ko rito, gusto ko rin magpasalamat sa mga tao.
"On behalf of SV, isipin mo nasama na rin akong makapagbigay kasi yun ang whole point ko, to give back, to give my time dahil sa shows ko, may Prima Donnas, ngayon Shining Inheritance, nakita nila ako ngayon dito.
“Of course, for sure, another rate, another good blessing for me dahil maika-cast na naman ako sa mga trabaho.
“Right now, okay na ako. Hindi naman masama na mag-level up yung gagawin ko.
"You may not know, baka bukas wala ka na sa buhay mo," paliwanag ni Wendell tungkol sa pagsama niya kay Sam nang dumalaw ito sa Tondo, na balwarte ni former Manila Mayor Isko Moreno na muling kakandidato sa 2025 bilang alkalde ng siyudad.
Read: Isko Moreno, nagpaparamdam na sa kanyang "pagbabalik" sa Manila