PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sam Verzosa, hindi raw gagamitin si Rhian Ramos sa politika

Sam Verzosa, handa na raw marumi at magulong mundo ng politika.
by Jojo Gabinete
Published Sep 23, 2024
rhian ramos sam verzosa politics
Sam Verzosa on girlfriend Rhian Ramos: “Hindi natin maikakaila, artista po siya. Nakausap ko siya, sabi ko, 'Hinding-hindi ko gagawin yung ginagawa ng iba.’ Ayoko na pong magsalita. Parang self-serving naman para sa akin na ginagamit natin. Sana huwag muna nating pag-usapan yan."
PHOTO/S: @whianwamos on Instagram

Ang kumpirmasyon ng TV host at Tutok To Win Party-list representative na si Sam Verzosa na kakandidato ito bilang alkalde ng Maynila sa eleksyon sa Mayo 2025 ang dahilan kaya tinanong siya kung may plano na ba silang magpakasal ng kanyang kasintahang si Rhian Ramos.

Sinabi ni Sam na sinagot na niya noon ang isyu pero inulit nito ang kanyang pahayag.

Read: Rhian Ramos not in a rush to settle down with Sam Verzosa

“Ayokong ginagamit yan para lang sa mga ganitong panahon kasi baka sabihin…

“Ganyan po kasi ang nakaranasan [nakasanayan] ng mga tao, 'Gagamitin yan.'

“Hindi natin maikakaila, artista po siya. Nakausap ko siya, sabi ko, 'Hinding-hindi ko gagawin yung ginagawa ng iba.’

“Ayoko na pong magsalita. Parang self-serving naman para sa akin na ginagamit natin. Sana huwag muna nating pag-usapan yan.

“Kapag natapos na ang lahat ng ito, basta kasama ko po siya sa lahat ng magagandang hangarin natin na makatulong,” apela ni Sam sa mga miyembro ng entertainment press na sinusubaybayan ang mga kaganapan sa relasyon nila ni Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Rhian Ramos at Sam Verzosa, bakit click sa isa't isa?

rhian ramos sam verzosa kissing
Photo/s: Jojo Gabinete

READY FOR MUDSLINGING IN POLITICS

Alam ni Sam na marumi at magulo ang mundo ng pulitika na papasukin nito, pero handang-handa umano siya sa mga nakaambang paninirang gagawin ng mga makakalaban, hindi lamang sa kanya kundi pati sa mga mahal niya sa buhay, kabilang si Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya: “Marami na nga po ang naninira pero, sabi nga, you cannot put a good man down. Kapag may ginagawa kang mabuti, ano pa ang sasabihin nila?

“Basta ako, wala akong ibang gagawin kundi puro pagtulong at kabutihan. Kung gusto nila pigilan, hindi ho tayo magpapapigil.

“Alam ninyo ho, yung ugali ko, kahit noong bata ako, dina-down na ako buong buhay ko. Dun ko nakukuha yung motivation. Dun ako lalong nanggigil na magsumikap.

"Kaya lalo nila kaming ginigipit, lalo nila kaming sinisiraan, salamat po sa inyo, lalo akong nanggigigil na ibigay ang lahat ng meron ako.

Marami yon kaya masasawa kayo sa kasisira sa akin dahil lalo ko kayong bibigyan ng dahilan para sumama sa movement na ito."

Dagdag ni Sam, "Hindi ko ito ginagawa para mamulitika. Ginagawa ko ito para maging inspirasyon at para gayahin ng iba."

Read: Sam Verzosa, hindi itinanggi ang magarbong pamumuhay

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sam Verzosa on girlfriend Rhian Ramos: “Hindi natin maikakaila, artista po siya. Nakausap ko siya, sabi ko, 'Hinding-hindi ko gagawin yung ginagawa ng iba.’ Ayoko na pong magsalita. Parang self-serving naman para sa akin na ginagamit natin. Sana huwag muna nating pag-usapan yan."
PHOTO/S: @whianwamos on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results