PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ricardo Cepeda, sigurado na ang pagbabalik sa Batang Quiapo

Ricardo Cepeda, malaki ang pasasalamat kay Coco Martin.
by Jojo Gabinete
Published Sep 23, 2024
ricardo cepeda batang quipo
Ricardo Cepeda confirms his return to Batang Quiapo after being released from jail: "So big relief sa akin na I’ve got a waiting job."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / ABS-CBN Entertainment

Sigurado na ang pagbabalik ni Ricardo Cepeda sa FPJ's Batang Quiapo dahil nagkausap na sila ni Coco Martin at nangako itong tutulungan siya.

Richardson Wu ang pangalan ng karakter na ginagampanan ni Ricardo sa Batang Quiapo, pero bigla itong nawala sa primetime action-drama series ng ABS-CBN noong Oktubre 2023 nang masangkot ang kanyang pangalan sa kasong syndicated estafa.

Dahil dito, halos isang taong nakulong ang aktor sa Cagayan Provincial Jail, Tuguegarao, Cagayan Valley.

Read: Ricardo Cepeda released after posting bail for estafa case

RICARDO ON CONVERSATION WITH COCO MARTIN

Sa pakikipag-usap ng Cabinet Files kay Ricardo nitong Lunes, Setyembre 23, 2024, ibinahagi niya ang kuwento ng pag-uusap nila ni Coco—ang direktor, producer, at bida ng Batang Quiapo.

Lahad niya: “Nag-message ako kay Coco na I am out.

"Si Coco, nag-message, parang sabi niya, ‘Pasensiya na, we want to be able to help you, whatever we could. Pero don’t worry, ibabalik namin ang karakter mo sa Batang Quiapo para makabawi ka sa finances mo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So big relief sa akin na I’ve got a waiting job.

"Tamang-tama yung karakter ko was supposed to have a big confrontation scene na with Christopher de Leon’s character, biglang naaresto ako. Pinalabas na lang na pinapunta sa Hong Kong ang karakter ko."

Nagpapasalamat dahil sa mga taong kagaya ni Coco na handang tumulong sa mga katulad niya.

Nasasabik na ba siyang muling humarap sa kamera at umarte?

“Kinakabahan ako,” nagpakatotoong sagot ni Ricardo.

Hindi pa raw alam ni Ricardo kung kailan magsisimula ang taping niya para sa Batang Quiapo.

"Sure na pero wala pang balita kung kailan magsisimula ang taping."

Read: Ricardo Cepeda speaks up about syndicated estafa case: “Hindi ko alam na sinama nila ako.”

ricardo cepeda batang quiapo
Ricardo Cepeda as Richardson Wu in Batang Quiapo
Photo/s: ABS-CBN Entertainment YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RICARDO REUNITES WITH HIS DAUGHTERS WITH SNOOKY SERNA

Noong Linggo, Setyembre 22, muling nagkasama si Ricardo at ang dalawang anak nila ng kanyang ex-wife na si Snooky Serna na Sam at Sachi.

Halos isang taon ding hindi nagkita nang personal ang mag-aama dahil sa pagkakabilanggo ni Ricardo sa lugar na napakalayo.

Gustung-gusto nina Sam at Sachi na dalawin si Ricardo sa Cagayan Provincial Jail, pero ang aktor mismo ang umawat sa kanyang mga anak.

Read: Anak ni Ricardo Cepeda, may madamdaming post sa paglaya ng aktor

“They wanted to. Sabi ko, huwag.

"I said it was enough na we can squeeze in kapag may pumayag sa window ng calltime, mag-Facetime na lang kami," lahad ni Ricardo tungkol sa pagkikita nila ng mga anak niya.

Patuloy niya, “We did a lot of yakap-yakap, the physical touch kesa yung Facetime lang. Okay lang, e. But when we started talking, sabi nila, ‘Your strength kept us strong.’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sabi ko, 'Baligtad nga, e. Yung strength ninyo is what kept me strong.'”

May plano na siyang magbakasyon sa ibang lugar matapos lumabas mula sa kulungan?

“We’re talking about it,” sagot ni Ricardo.

“May nag-o-offer ng free tickets like out of the country para raw maka-relax ako but we have to get permission from the court.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ricardo Cepeda confirms his return to Batang Quiapo after being released from jail: "So big relief sa akin na I’ve got a waiting job."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / ABS-CBN Entertainment
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results